TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 120 SPECIAL DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. ISANG TAON na ang nakalipas simula ng mawala si Ambrose… ang asawa ko. At hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nahahanap. Tinanggap na nila Mama Lara na wala na si Ambrose, pero ako? Hindi. Umaasa pa rin ako na babalik siya—na babalikan niya kami ng anak naming si Brianna. Yes, nanganak na ako. At babae ang unang anak namin ni Ambrose. Pinangalan ko siyang Brianna Miles Saavedra Miller. Dinala ko pa rin ang second name ni Ambrose sa anak namin para hindi namin siya makalimutan. Kahit na nawalan na sila ng pag-asa sa paghahanap kay Ambrose, tuloy pa rin ngayon ang paghahanap sa kanya, pero na katulad noon na masyado kaming vocal sa paghahanap sa kanya. Dahil wala na si Ambrose, si Apollo na ang pu

