TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 97 CASA RUSSO DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. NAKATULOG NA naman ako lalo na ng makahiga ako sa kama. Pagkatapos kong mapatulala habang nakatingin sa may kisame ay inaantok na lang ako bigla at nagising na lang ako ng nakaramdam ako ng gutom. Napatingin ako sa paligid ng kwarto at ako pa rin ang mag isa. Hindi pa nakakabalik si Ambrose dito sa kwarto ng umalis ito kanina upang kausapin niya si Vince. Siguro ay may importante silang pag-uusapan ngayon at naintindihan ko naman kung hindi kaagad makabalik dito sa Ambrose dahil kaya ko naman ang sarili ko. Kinuha ko muna ang aking phone at nakita ko na may chat sa akin ngayon si Alessandra. Tinatanong nito kung nandito na ba kami ngayon sa Italy ni Ambrose. Agad ko naman na nireplyan ang mensahe n

