TAMIN THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 131 THE TRAITOR DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. “GUSTO KO nang maalala ang lahat, Dianne.” Napatingala ako kay Ambrose ng sabihin niya iyon sa akin. Nandito kami ngayon sa may kama at nakahiga ako sa kanyang dibdib ngayon habang siya naman ay pinaglalaruan ang aking buhok. Madilim na ang paligid at bago lang din kami natapos sa aming pagtatalik. Sobrang pagod ang aming naramdaman ngayon at napagpasyahan na muna namin na huwag munang umuwi ngayon dahil madilim na. Wala pa namang mga street lights sa daan dito malapit sa beach house kaya mas mabuti nang hindi na muna kami umuwi. Nag text na rin ako sa aking mga magulang na hindi ako makakauwi sa mansion dahil kasama ko si Ambrose ngayon at pumunta kami sa beach house. Nagpapasalamat din ako sa

