TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 82 ANG PAG-UUSAP DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. “PLEASE! I NEED to talk to him! Kung hindi ko siya makakausap ngayon… sigurado akong masisira ng tuluyan ang pinaghirapan niyang mafia group. Gusto mo ba ‘yung mangyari. Dianne?!” Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ngayon. Anong pinagsasabi ng babaeng ‘to ngayon? Gumagawa ba siya ng paraan para lang makausap at makita si Ambrose? Halatang-halata na hindi siya pinapansin ni Ambrose at hindi sinasagot ang mga tawag niya. Kaya ngayon ay gumawa siya ng kwento para lang makita niya si Ambrose. Walang hiya talaga ang babaeng ‘to. “Pwede ba? Itigil mo na ‘yang kahibangan mo, Jenelou! Ilang ulit pa bang sasabihin ng asawa ko na ayaw niya sayo? Layuan mo na siya!” inis kong sabi sa kanya. Ang kul

