ISANG MALAKAS na sampal ang natanggap ko mula kay Amaro, sinabayan pa niya iyon ng malakas na sigaw na animo’y malaking kasalanan ang aking ginawa. “What’s with you, Deyja!? Hindi kita pinalaki upang sumapi sa kadiliman!” galit niyang sigaw at muling tinaas ang kaliwa niyang kamay saka inambahan ako ng sampal. “Hindi mo nga ako pinalaking ganito. Because you were never a father to me. You left us, do you remember that? You left my mom when you know exactly that she was dying. You made her life miserable. You made my life miserable! Kaya wala kang karapatan na sumbatan ako, Amaro! Bakit hindi mo asikasuhin mo ‘yang babae mo. She’s ruining Dominique’s life for her own sake, for her own satisfaction.” Bawat katagang sinasambit ko’y may katumbas na hinanakit. Hinanakit na tinago ko sa loob

