HINDI KO alintana ang madalas na pananakit ng aking dibdib. Hindi ko ito pinagtutuonan ng pansin sapagkat abala ako sa paghahanap ng paraan upang makausap ko si Callum na tatlong araw na akong pinagtataguan o ‘di naman kaya ay iiwasan. Lagi siyang abala sa trabaho o kaya ay nadestino sa ibang lugar. Si Junie ang nagsabi no’n sa akin. Pabagsak na umupo ako sa bench habang mahigpit na hawak ang kapirasong papel na siyang ginawa kong pamaypay. Pawis na pawis ako at uhaw na uhaw dahil sa initan ako galing. Pinahiran ko ang pawis na tumutulo mula sa aking noo saka bumuga ng hangin. I keep on looking around to find Wyatt but I couldn’t see him. Ang paalam niya sa akin ay bibili lang siya ng tubig na maiinom naming dalawa pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya dumadating. Inunat ko ang nan

