“WHAT HAPPENED?” Iyon kaagad ang tanong ni Dominique nang bumalik ang kanyang malay-tao. Bumalikwas siya ng bangon at agad na sinuri ang kabuuan ng kanyang silid na tila may hinahanap. Kapagkuwan ay napahiga siya muli habang sapo ang kanyang noo. “Are you feeling well?” malumanay kong tanong. Mabilis na binaling niya ang tingin sa akin at napaupo sa kanyang higaan. “Wyatt? Oh my head is aching! Ano ba kasi ang nangyari? Teka, anong oras na? I need to go to work. I still have a mission to do.” Hindi ko maiwasang umiling dahil sa pagmamadali niya, halos madapa pa siya sa pagkataranta. I bet that she already forgotten everything about him and I must be happy, but I feel the opposite. Nahahabag pa rin ako sa kanya sa tuwing makikita ko ang walang buhay na mga mata niya. Umupo ako sa gilid

