NAKATINGIN LANG ako kay Mama na nakangiting nakaharap kay Melissa. Dad went out to settle the bill so we could go home. Habang pinagmamasdan ko silang dalawa ay hindi ko mapigilang isipin kung ano kaya ang mangyayari sa buhay ko kung mayroon na rin akong anak. Ever since I met Yza, I already plan to marry her and have kids together. Subali’t hindi ko iyon magagawa dahil tila may pumipigil. Nagtataka na rin ako kung bakit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin siya nabubuntis. Malapit na akong magkaroon ng bagong kapatid pero wala pa rin akong supling. Maybe I should talk to Yza and ask her if she wanted to marry me, but how? I’m afraid that she’ll reject me. “Malalim yata ang iniisip mo, Callum. Aren’t you happy that I’m pregnant?” Mother asked, visibly worried about my reaction. Natawa ak

