TILA KAY bilis ng panahon. Hindi ko namalayan na dalawang buwan na pala ang lumipas. Two months and I’m still living under the same roof together with Callum’s family. Amelie still dislikes me. Melissa is distant. Silang dalawa ay laging umiiwas sa akin at hindi ako kinakausap kapag kaming tatlo lang ang nasa bahay. They would only talk to me when Cale and Callum is around. Tulad na lang ngayon. Nakaupo kami sa harap ng dining table at naghihintay na maihain ang niluto ni Amelie at Melissa. We are celebrating Cale’s promotion. Isa na siyang ganap na Heneral. “Kamusta naman kayong tatlo dito sa bahay, Mom? Is everything fine?” mahinahong tanong ni Callum sa kanyang ina na nasa aming harapan. Amelie stopped for a moment before turning her gaze to Callum. Pansamantalang nawala ang ngiti s

