"Isang bangkay ang natagpuan na palutang-lutang sa ilog ng Kamandagan Alas onse ng umaga. Ang biktima ay kinikilalang si Chris Tiangco Melena o mas kilala sa tawag na Christian. Isang tanyag na actor. Hanggang sa mga oras na ito ay nag-iimbestiga pa rin ang kapulisan sa motibo ng pagpatay—" Binato ko ang hawak na wine glass sa TV kaya nabasag iyon. Huminga ako ng malalim saka sumandal sa armrest ng couch at pansamantalang pinikit ang aking mga mata. Sawa na akong marinig ang pangalan niya. Dalawang linggo rin akong nagtiyaga sa kumag na iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa nilang ibalita ang nangyari kay Christian. His fans are mad at him after knowing that he is a child groomer, a sadistic kind of man, and abuser. Tinalikuran na siya ng lahat, pati na rin ng kanyang pamil

