Chapter 22.2 “Tama lang na wala ka muna rito sa bahay. Ang papa mo kasi, halos araw-araw naghuhurumintado patungkol sa nangyari sa ’yo pero alam ko naman na nasasaktan lang din ‘yon dahil napariwara ka. Maaga kang namulat sa pagiging ina kaya sana, Ching, ayusin mo na ang mga bagay na minsan nang naging mali sa ’yo,” sabi ni Mama mula sa kabilang linya. “Opo, Ma,” ani ko. Alam ko na ang tama at mali sa mga panahon na nawala ako sa piling nila. Sa loob ng puder nila nanay ay nalaman ko na ang halos lahat. Alam ko na ang paghihirap nila sa mga bagay-bagay, mas lalo na kay Mama—kay Mama na walang sawang pinagtatanggol kami sa lahat ng bagay. “Sorry sa lahat, Ma,” naiiyak kong sabi. Alam ko naman na walang kwenta ang pagsabi ko ng ‘sorry’—walang kwenta kung sasabihin ko na ‘sorry’ lang p

