Chapter 28.1 Nag-umpisa na ang celebration. Ang iba ay may pa-games at ang iba naman ay may mga pakulo na kung ano-ano katulad ng mga nagpapalaro sa mga bata, meron din sa mga matatanda samantalang ang iba naman ay mga kumakanta’t sumasayaw. Ngayon ay bigayan na ng mga regalo. Naunang magbigay ang mga naunang mga naging alaga ni Nanay. May katandaan na rin ang iba sa kanila at halos ang mga anak naman nila ay kasingtanda na namin kaya naman ang tatlo ay hindi na magkandaugaga dahil ang karamihan sa mga ito ay mga may itsura talaga. Halos inabot din ng mga ilang minuto bago dumating ang oras na si Tito Peter na ang magsasalita. Nakangiti siya habang inaabot kay Nanay ang isang maliit na kahon. Binuksan ‘yon ni Nanay at isang susi ang laman bago pinakita ang isang van sa screen. “Napan

