Chapter 15.2 Kung hindi niya kami kayang tanggapin, hindi rin naman namin siya kailangang maging kaibigan o intindihin man lang. Madali naman kaming pakisamahan pero sa kaso niya, siya ang nagpapahirap sa lahat. “Wala talagang aamin sa inyo kung sino ang kumuha ng pera?” muling mahinahon na tanong ni Nanay. Tinignan niya kami isa-isa, mula sa apo niya, kay Kitty, pati na rin si Mark na nakatayo na sa gilid ng TV, mukhang may ipapanuod siya sa ’ming lahat. “Aminin mo na kasi, Norie!” inis na sabi ni Shia bago ako dinuro. Hindi ko na siya pinansin. Bahala siya. Bakit ko aaminin ang mga bagay na hindi naman ako ang gumawa? Kung sakali man na akuin ko ‘yon, eh, ‘di nasira na ang pangalan ko sa lahat ng mga pinagkakatiwalaan ko rito. “Hindi ka talaga titigil, Shia?!” sigaw ni Nanay bago tu

