Chapter 36.1 Tawanan dito, tawanan doon ang ginagawa nila habang ako naman ay tahimik lang na nakaupo sa passenger seat ng sasakyan at si Gelo ay seryosong nakatingin sa daan. Papunta kami ngayon sa isang restaurant. Hindi ko alam kung saan ‘yon banda pero kanina pa kami nasa byahe. Gusto ko sanang may puntahan pero nahihiya akong magsabi sa kanila lalo na kay Ate na ginawa ang lahat makaalis lang sa lugar na ‘yon. “May problema ba?” Umiling ako. Wala naman akong problema’t walang kailangan problemahin. “Wala naman. May iniisip lang ako,” sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung kailangan ko ba ‘tong sabihin. Nakakahiya sa kanilang lahat. Mukhang masaya na sila ngayon sa mga buhay nila pero ako, bilang anak ni Papa, hindi pa rin ako maayos. Malaki ang galit namin kay Papa dahil sa laha

