CHAPTER 23.2 SPECIAL CHAPTER Mark’s Point of View “Ano bang pinag-usapan niyo ni Nanay?” naiinis na tanong ko sa kanya. Kahit kailan talaga, ang kulit nitong babae na ‘to. Hindi ako makapaniwala na siya pa ang kapatid ni Norie. Sobrang magkaiba ang kwento ng kapatid niya sa pagkakakilala ko sa kanya. “Secret,” maiksi niyang sabi bago ako nginisian at naunang maglakad. Kaya ayaw ko sa babae. Sobrang kulit nila at maraming sekreto. Lahat na lang ng bagay ay papalakihin at bukod pa ro’n ay sobrang ingay rin nila kaya hangga’t maari ay ayaw ko sana ‘tong ihatid pero mukhang may nalalaman siya na sinabi ni Nanay. Nakakapagtaka na malaman na magkakilala kami? Kahit naman ako ay hindi ko inaasahan na ang babae na ‘to ay makikilala ko. She’s so weird. Minsan ay tahimik at minsan naman ay

