Chapter 41 “O-Ouch!” daing ko nang maramdaman ang sakit at kirot ng ulo ko nang tuluyan akong makabangon. “Good morning, sweetie,” nakangiting bati ng katabi ko. Walang iba kundi si Gelo. Nakayakap siya sa bewang ko habang nakaalalay sa ulo niya ang kanyang kanang braso para tignan ako. “Anong ginagawa mo rito?” takang tanong ko sa kanya. “Para pagalitan ka?” patanong niyang sagot at hinalikan ako sa noo. “Alam mo naman na hinihintay ka ng anak mong umuwi sabay nagpakalasing ka pa kagabi? Seriously, sweetie?” Oo nga pala. Masyado akong nag-enjoy kagabi kasama ang mga kaibigan ko. Dahil pa nga sa kalasingan ay muntikan na kaming hindi makauwi. Malaki na lang ang pasasalamat ko at hindi na ako pinagalitan ni Papa pag-uwi. Ewan ko na lang sa iba naming kaibigan kung nakauwi ba sila o

