Chapter 18.1 “35 po lahat,” sabi ng estudyante at inabot ang bayad. Tumango ako bago inabot sa kanya ang sukli ng binayad niya. Ilang linggo na rin ang lumipas simula nang umalis dito si Shia. Naging tahimik na rin ang karinderya. Minsan nga ay hinahanap siya ng iilang costumers at natutuwa sa pag-alis niya. Minsan ay gusto ko siyang ipagtanggol pero opinyon nila ‘yon. Iyon ang ugali na pinakita ni Shia sa kanila kaya gano’n din ang magiging husga ng lahat sa kanya. Nakalulungkot lang dahil saglit lang namin siyang nakilala—ang tunay na ugali ni Shia. Malalim akong bumuntong-hininga bago tinignan ang buong paligid. Konti lang ang tao dahil bakasyon na. Kumonti na rin ang benta namin, sakto lang sa pang-araw-araw na gastusin ang tubo. Madalas lang kasing kumakain ay ang mga drivers at

