Chapter 26.2 “Ang dami!” hindi makapaniwalang bulalas ni Miley habang isa-isang kinuha ang mga gamit na nasa loob ng sasakyan nila Shia. “That’s how I love you, girls!” Napayakap naman kami sa isa’t-isa. Ang laki na ng pinagbago ni Shia ever since na nagkausap kami. Kita ko rin na maayos na sila ng Daddy’t Mommy niya after din nilang mag-usap. “Sa ‘yo, Norie, for babies ang binili namin. Alam ko naman na mas matutuwa ka riyan,” sabi niya bago inabot ang tatlong paper bags sa ’kin sabay hinila ang dalawang kahon na hindi kalakihan. “Ito naman ang sa baby mo. Ang sabi ni Mommy is puti raw ang bilhin since hindi pa alam ang gender.” “Alam mo talaga ang taste ko! I love you too na!” natutuwa kong sabi bago siya niyakap. “Well, alam niyo naman na maganda talaga ako at kamahal-mahal,”

