“Ma’am Sang,” sabi ng lalaki. “Ito na po ‘yung bagong recruit. Kakarating lang, galing probinsya. Ang nanay niya mismo nagbigay sa akin ng pamasahe para madala rito.” “Abaaa! Ang palay na talaga ang lumalapit sa manok!” bulalas ni Mama Sang. Kung masaya ‘yong lalaking nagdala mas masaya si Mama Sang. Napatingin ako agad sa babae. Payat, maputi pero halatang sunog sa araw, medyo kulot ang buhok at simple ang suot—blouse na luma at paldang lampas tuhod. Naka-tsinelas lang at may dalang maliit na sako bag at may hawak pa siyang kamote sa kabilang kamay. Probinsyanang-probinsyana ang dating niya. Mukhang kaedad ko lang, baka dese-otso rin. “Magandang hapon po…” mahina niyang bati, halos hindi makatingin nang diretso. Si Mama Sang, mabilis ang ngiti at abot hanggang tenga. “Ay salamat sa

