Mabigat ang hangin sa loob ng van. Kahit nakapiring ako, ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko sa bawat lubak na kalsada na tinatahak namin. Amoy langis at pawis ang paligid—hindi na bago sa akin, pero ngayon, parang bawat amoy ay may kasamang banta. “Malapit na tayo,” malamig na boses ni Dos, habang may mahina pang kaluskos ng plastik na parang binabalot ang kung anong gamit sa likod. Hindi ko alam kung para saan, at ayokong malaman. Huminto ang sasakyan. Pwersahan akong hinila palabas, at sa unang hawi ng piring, tumambad sa akin ang lugar—isang lumang talyer sa gilid ng eskinita. Kalawangin ang mga yero, at ang sahig ay may bahid ng lumang langis at pinatuyong dugo na halos hindi na matanggal. Wala ni isang tao sa paligid, maliban sa isang matandang lalaking abala sa pag-welding sa liko

