Pagdating nila sa private hospital, agad silang sinalubong ng isang babaeng doktor, nakasuot ng puting coat at may suot na salamin. Nasa 5o na siguro ang edad nito, kita na ang mga pinong guhit ng panahon sa mukha pero nanatiling elegante ang tindig. Binati ng dalawa ang doktora ganoon din ito tas bumaling sa kanya ang tingin mula ulo hanggang paa. “Good afternoon. You must be Aleyah,” bati ng doktora na may banayad na ngiti. “Yes po, ako si Aleyah.” Nakangiti niya rin sagot. “Ako si Dra. Velasquez, OB-GYN dito. Nasa mabuti kang mga kamay kaya ‘wag kang kakabahan, hija.” Bahagyang napangiti si Aleyah tas giniya na sila papasok, habang naglalakad sila ay napapatingin sa kanila ang iilang nurse nakakasalubong nila sa hallway. Pero hindi niya napigilang itanong kay Uno. “Nasaan si

