Kylus POV Naabutan na kami ng gabi bago pa tuluyang huminto ang ulan. Ang malamig na simoy ng hangin ay lalong nagbigay ng kakaibang katahimikan sa paligid. Tanging ang mga tunog ng patak ng natitirang ulan mula sa mga dahon ang maririnig. Napatingin ako kay Fin na tahimik lang nakaupo sa isang gilid ng kubo. Ang liwanag mula sa nagkukulimlim na langit ay bahagyang tumama sa kanyang mukha. Kahit sa ganitong simpleng ayos niya, hindi ko mapigilang humanga sa kanya. “I think the rain’s finally stopping,” sabi ko, basag ang katahimikan. “Good,” sagot niya nang walang emosyon. “We should head back.” Tumayo siya, inaalis ang mga naiwang patak ng ulan sa kanyang damit. Agad ko namang inalok ang kamay ko para alalayan siya, pero tumanggi siya. “I can handle myself,” maikli niyang sabi. “St

