Kylus POV Tahimik ang gabi, tanging ang malambot na ilaw ng lampshade ang nagbibigay-liwanag sa suite. Naririnig ko ang mahinang paghinga ni Fin sa tabi ko habang nakabalot siya sa kumot, parang sinasabi niyang wala akong karapatan dito. "Fin," bulong ko, pilit pinipigilan ang tawa sa sarili kong tanong. "You really expect me to share the bed with you like this?" Bahagya siyang ngumiti, pero hindi idinilat ang mga mata. "What, scared I might kick you off?" Napailing ako, kunwari’y naiinis. "No, I’m more worried you’ll steal the blanket." Agad niyang inipit ang kumot sa ilalim ng katawan niya, parang sinasabi niyang kanya lang iyon. "Then don’t let me," sabi niya, malakas ang loob habang nagbalot pa lalo. Pinanood ko siya nang ilang saglit, iniisip kung paano siya palaging nakakakuha

