Avriel POV
"Good evening ms. A" bungad nito at mabilis na pumasok na sa kwarto. Mabuti na lang ay hindi na siya na late this time. Dahil kung na late pa ito ay dobleng galit na ang gagawin ko sa kaniya.
Nakita kong umupo na siya, nakita ko rin ang ngiti sa labi nito, bakit siya nakangiti? Anong nangyari? Bakit ganyan na lamang siya kung ngumiti? Ipinagpulupot ko ang dalawang kamay ko at tumayo.
"And why are you smiling?" Tanong ko sa kaniya. Pero mas lalo lang itong ngumiti kaya tinaasan ko na siya ng kilay. Dahil ba hindi na siya na late? I guess so.
"Ano pong next activity natin?" Tanong nito. Mas lalo naman akong nagtaka, bakit kaya ganito siya ka ganda gawin ang lahat?
"Mukhang ganadong ganado ka ng matuto ngayon ah? Kahapon lang ay na late ka dahil siguro na bored ka sa klase ko" sabi ko sa kaniya kaya nagulat naman siya.
"Kailangan ko kasing matuto para sa kaniya ms. A, I just think I really really like her" sabi niya at ngumiti. Like? Sino? Yung ka engage niya?
"Who? Yung ka arranged marriage mo?" Tanong ko at tumango naman siya.
Tumango naman ako. I need to know it all, I need to know it! Kailangan kong gumawa ng paraan para malaman lahat at kung bakit niya nagustuhan ang ka engage niya.
"Kung ganoon, hindi muta tayo mag aaral ngayon. Lets take a break. Ang gagawin nating activity ay need mong e share sa akin lahat ng dahilan ng iyong kasayahan at maging ang mga weaknesses mo. Nang sa ganun kinabukasan mas magigigaganahan ka. Is that okay?" Sabi ko. Nagulat naman siya
"Kasama ba yan sa lesson?" Tanong niya
"Yes, dahil makakatulong ang emosyon. Kailangan matuto kang pigilan ang emosyon mo. Naiintindihan mo ba iyun?" Sabi ko, pero mukhang nagtataka pa rin siya "Kinakailangan na hindi mo dapat maipakita yung emosyon mo. Gaya na lamang ng niloloko ka lang tapos ikaw kinikilig na? That's not good."
"Sige, kung part yan sa lesson, gagawin ko" sabi niya at napangiti naman ako sa sinabi niya. Hindi ko na kilala ang sarili ko, bakit ba napaka interesado ko sa lalaking ito gayong May gusto na naman siyang iba.
"So, magsimula tayo sa ngiting nakikita ko sa labi mo. Anong dahilan niyan?" Tanong ko at ngumiti nanaman siya. Heto nanaman tayo, andiyan nanaman yung ngiti niyang walang tigil.
"Simple lang, Ms. A," sagot niya habang ang ngiti sa labi ay hindi pa rin nawala. "Iniisip ko lang siya. Yung mga ngiti niya, kung paano niya ako kinakausap, at kung paano niya ako tinitingnan. Sobrang saya ko lang kapag naiisip ko siya."
Napakurap ako at bahagyang napaisip. Napakalinaw ng kanyang sagot, ngunit sa likod ng bawat salita, ramdam ko ang lalim ng emosyon niya. Nakakainis. Bakit ba parang ang saya-saya niya habang ako ay naririto, pilit na iniintindi ang damdaming hindi ko dapat maramdaman?
"Ah, ganoon ba?" sagot ko, pilit na pinipigilan ang paglabas ng kahit anong emosyon sa mukha ko. "Pero paano kung hindi siya magkapareho ng nararamdaman sa'yo? Have you thought about that possibility?"
Mula sa pagiging masigla, bigla siyang natigilan. Napansin kong unti-unti niyang ibinaba ang kanyang tingin. Hindi ko alam kung sadya o epekto lang ng tanong ko, pero tila may tinamaan ako.
"Ms. A," nagsimula siyang magsalita. "I know there's a possibility. Pero... gusto ko lang siyang ipaglaban. I mean, wala namang masama sa pag-try, di ba? Ang point ko kasi, ay one you pursue something there is a chance at wala na namang masama dahil Naka arrange na kami sa isa't isa."
Ipaglaban? Ang salitang iyon ay parang tumusok sa puso ko. Hindi ko maiwasang maikumpara ang sitwasyon ko. Ako na pilit kinikimkim ang damdamin ko para sa kanya dahil alam kong wala akong karapatan. Ako na nagtatago sa likod ng pagiging guro niya. At siya? Malaya niyang ipinapahayag ang damdamin niya para sa iba. Napaka-ironic.
"Okay," sagot ko, pilit na pinapanatili ang professional na tono. "Sige, sabihin mo sa akin kung ano sa tingin mo ang magugustuhan niya sa'yo? I mean, what makes you think you're the right person for her? Hindi bat marami namang iba, I mean malay mo may iba siya"
Hindi ko alam kung bakit ko itinatanong ang bagay na iyon. Marahil gusto ko lang malaman kung gaano siya kasigurado sa nararamdaman niya, o baka gusto ko lang makita kung gaano niya kamahal ang babaeng iyon.
Ngumiti siya muli, ngunit ngayon ay may halong pag-aalinlangan. "Honestly, Ms. A, I don't think I'm perfect. Pero sa tuwing iniisip ko siya, nararamdaman kong kaya kong maging mas mabuting tao. Gusto ko siyang mapasaya. Gusto kong ibigay sa kanya ang lahat ng bagay na magpapasaya sa kanya." Sabi niya "Isa pa yung babaeng iyun, kakaiba talaga siya, sweet, malambot ang puso at ang pinakagusto ko ay iniiyakan ako"
Napanganga ako sa sagot niya. Ang lalim ng sinseridad niya. Hindi ko alam kung dapat akong humanga o mas lalong mainis. Bakit hindi ako? Bakit hindi ko naririnig ang mga salitang iyon para sa akin?
"Kung ganoon," sagot ko, pilit na pinapakalma ang sarili. "Ano naman ang mga kahinaan mo? Kung gusto mo talagang maging karapat-dapat sa kanya, kailangan mo ring malaman ang mga bagay na kailangan mong pagtuunan ng pansin, di ba?"
Napangiti muli siya, pero halata kong nahihirapan siyang sagutin ang tanong. "Ms. A, siguro isa sa mga kahinaan ko ay... my family, iyung ma failed ko sila sa lahat ng pangarap at gusto nila sa akin. At isa na rin ang hindi pagpipigil ng emosyon. Kagaya ngayon, sobrang saya ko na hindi ko maiwasang ngumiti. Pero kapag nalungkot ako, sobrang halata rin. Parang hindi ko kayang itago."
Napangiti ako sa sinabi niya. Sa totoo lang, iyon ang isa sa mga bagay na gusto ko sa kanya. Ang pagiging totoo niya sa nararamdaman niya. Hindi tulad ko, na laging pilit na pinipigilan ang lahat.
"Good," sabi ko. "At least alam mo na ang isa sa mga kahinaan mo. Pero hindi ibig sabihin na masama iyon. Sometimes, being true to your emotions is a strength. Kailangan mo lang itong kontrolin sa tamang paraan."
Gaya ko, kuntrolado ko ang emosyon ko sayo hangga't hindi ko pa napapatunayan sa sarili ko na gusto talaga kita o nagkakamali lang ako. Hindi ito totoo, simpleng paghanga lamang ito.
Tumango siya at ngumiti muli. Pero sa kabila ng lahat ng ngiti niya, hindi ko maiwasang makaramdam ng bigat sa dibdib. Alam kong hindi tama ang nararamdaman ko, pero bakit ba napakahirap pigilan?
"Ms. A," biglang sabi niya, pinutol ang daloy ng mga iniisip ko. "Pwede bang ako naman ang magtanong?"
Nagulat ako sa sinabi niya. "Sure, go ahead," sagot ko, pilit na pinapanatili ang composure ko.
"Bakit parang sobrang interesado kayo sa emosyon ko? I mean, is this really part of the lesson, or... do you just want to know me better?" Tanong niya habang nakatitig sa akin nang direkta.
Naramdaman kong tumigil ang mundo ko. Paano ko sasagutin ito? Hindi ko maaaring aminin ang totoo. Hindi ko maaaring ipakita na naaapektuhan niya ako.
"Part ito ng lesson," sagot ko, pilit na naglalagay ng seryosong tono sa boses ko. "As your teacher, kailangan kong malaman kung paano kita matutulungan, at bahagi niyan ang pag-intindi sa emosyon mo. Isa pa, dahil sa pagsasabi mo ng mga bagay na iyan sa akin, napatunayan mo kilala mo talaga ang sarili mo. Kilala mo ang gusto at hindi mo kayang gawin. Alam mo ang mga dapat mong iwasan at maging ang iyung kahinayaan."
Tumango siya, ngunit hindi ko alam kung kumbinsido siya sa sagot ko. Sa mga sandaling iyon, naramdaman kong para akong nahuhulog sa sarili kong bitag.
"Ano pa ba ang gusto mong malaman?" tanong niya, tila nagiging komportable na sa pag-uusap namin.
Tumingin ako sa kanya, pilit na nag-iisip ng susunod na sasabihin. Pero bago ko pa man mabuksan ang bibig ko, siya na ang nagsalita muli.
"Ms. A, alam niyo ba... minsan naiisip ko kung bakit parang ang bait-bait niyo sa akin. Alam kong marami akong pagkukulang, pero nandiyan pa rin kayo para turuan ako." Sabi nito "Minsan pa nga nagkakamali ako, lalo na kahapon na late ako subrang galit ka, basta mixed emotion ka."
Napahinga ako nang malalim. Ang mga salitang iyon ay tila nagdadagdag ng bigat sa puso ko. Bakit nga ba? Bakit hindi ko siya kayang iwan kahit na alam kong may iba siyang mahal?
"Mixed emotion? Bakit ikaw hindi ba? Kahapon late ka at ngayon maaga ka. At isa pa..." sagot ko, pilit na tinatago ang lahat ng emosyon sa loob ko. "Parte iyon ng trabaho ko bilang guro mo. Gusto ko lang siguraduhing magiging maayos ka, kahit ano pa ang mangyari."
Tumango siya at ngumiti muli. Pero sa kabila ng lahat, alam kong hindi ko kayang ipaglaban ang nararamdaman ko. Dahil sa huli, s e x tutor lang ako. At siya? Siya ang estudyanteng kailanman ay hindi magiging akin.
Hindi kailanman dahil magkaiba kami ng mundo, nasa langit siya at nasa lupa ako. Wala kaming pag asang dalawa pero posibleng pa rin bang magustuhan niya ako habang nananatili siya rito sa akademya?
"Okay ka lang ms. A?" tanong nito. Nagulat naman ako ng marinig ang tinig niya. Umayos ako at nginitian siya, hindi pwedeng lumalim ang nararamdaman ko sa kaniya.
Ilang araw pa lamang ay agad na akong nahulog sa isang ito, bakit ba kailangan pang mangyari ito? Bakit ba nasasaktan ako sa bawat salita at binibigkas niya? At bakit simulan ko pa siyang tanungin tungkol sa sanhi ng kaligayahan niya kung para rin naman pala ito sa iba?
Sa lalong madaling panahon, kinakailangan kong pigilan ang emosyon na ito. Mawawala lang ito, matatapos din ito. Makakaraos din ako.
T o b e c o n t i n u e d...