Ang nakararaan... Avriel POV Nakatayo siya sa harap ng isang booth, may hawak na stuffed toy habang nakangiting nakatingin sa babaeng kasama niya. Magaan ang kilos niya, at kita sa mga mata niya ang saya. Ang babae naman, mahinhin ang ngiti habang nakasandal ng bahagya sa braso ni Kylus. Parang may malamig na hangin na biglang dumaan sa dibdib ko. Tutor ka lang ni Kylus, Avriel. Tutor lang. Pero kahit ilang ulit ko pa sabihin iyon sa sarili ko, hindi ko mapigilang maramdaman ang kirot sa puso ko. Yung pakiramdam na parang may mabigat na bagay na dumadagok sa dibdib ko, at pilit kong pinipigilan ang luha na gustong pumatak. Hindi ko naman kasi kayang sabihin kay Kylus kung ano talaga ang nararamdaman ko. Hindi ko kayang ipakita sa kanya na higit pa sa pagiging tutor ang gusto ko. Na

