Tunog ng kanyang cellphone ang pumukaw sa malalim na pag-iisip ni Tristan. Mabilis niyang dinampot ang kanyang earphone kapagkuwa'y nagpatuloy sa pagmamaneho.
"Sir, may problema", wika ni Marco sa kabilang linya.
Assistant nya ito sa kanyang bar.
" Eh sir, kasi iyong banda na tutugtog sana mamayang gabi hindi na raw matutuloy.
"Oh god! anong dahilan?",kunot noong saad niya.
" Eh sir, may hindi po pagkakaintindihan. kasi iyong isang miyembro ng banda na nakausap ko ang sabi niya tu-tugtog sila kaya lang ng tawagan ko kanina ang sabi naka schedule raw pala sila sa iba.
Ngayon lang din niya nalaman sa kasama nila. Marahil, nakalimutan niya.
"I'm on my way, usap tayo pagdating ko diyan", putol niya sa usapan.
Pagdating ni Tristan sinalubong agad siya ni marco.
"So what now? di ba natin pwedeng gawan na lang ng paraan?",aniya ng makarating sila sa opisina niya.
Kapagkuwa'y umupo na rin sa swivel chair at pinatong ang mga paa sa mesa. Palagay kasi siya sa ganoong ayos lalo pa't kumportable naman na siya sa kanyang assistant sa tinagal tagal ba naman nilang magkasama.
Ganoon rin ito sa kanya.Iniikut-ikot pa niya ang mga mata sa buong opisina, minsan kasi kapag marami siyang iniisip ay dito siya nagpapalipas ng oras.
Maganda naman ang kabuuan ng opisina, malinis kung tutuusin nga nakakapagrelax siya kapag naroroon siya. May mahaba namang sofa na pwede niyang higaan at kumportable siya roon, may malaking flat screen na tv rin kung gusto niyang manood. At siyempre nagka-klasehang uri ng wine na nakalagay sa cabinet na naroron.
"Sir? tawag ni Marco sa kanya kanina pa kasi ito nagsasalita.Umiling-iling ito habang nakatingin sa kanya.
"Maiwan na muna kita sir ako na ang bahala, aayusin ko na lang.Gagawan ko ng paraan.", anitong sabay tapik sa balikat niya.
Hinatid na lang niya ng tanaw ang paalis na si Marco.Lihim siyang napangiti sapagka't kabisadong-kabisado nito ang ugali niya.Para na silang magkapatid kung tutuusin, sabay silang lumaki.
Ang ama ni Marco ay nagsisilbing katiwala ng daddy niya sa lupa nila sa probinsya, Kung kaya naman ang ama nito ang namamahala. Ang daddy niya ang nagpa-paaral noon kay Marco. Pareho nga sila ng tinapos ng binata business administration.
Kung kaya, ng magtapos sila hiniling niya sa kanyang ama na itayo itong di naman kalakihan na bar.
Simple lang ang buhay nila marco, magsasaka lang ang ama nito at mananahi ang ina nito. Matalik na mag-kaibigan kasi ang mga ama nila simula bata pa.
Sa totoo lang ayaw talaga niyang sir ang tawag nito sa kanya kasi nga naiilang siya kaya lang ipinag-pipilitan pa rin nito kesyo nga, siya ang boss at saka ayaw naman nitong baka pati ang ibang staff sa bar niya mawalan ng respeto sa kanya.
Ang bar ang naging tambayan ng barkada kapag may free time sila. Kumukuha kasi sila ng mga banda na tu-tugtog sa bar nila bilang entertainment sa mga taong tumutungo roon.
Madalas naman ay mag-nobyo ang pumupunta kumukuha rin sila ng mga acoustic singers para romantic ang dating sa mga magkasintahan na pumaparoon.
Napabalikwas mula sa kina-uupuan si Tristan,hindi niya namalayang nakatulog na pala siya sa malalim na pag-iisip mula pa kanina. Dali-daling sinilip nya ang kanyang relo eksaktong mag si-six o'clock na pala.
Masyado yata siyang napuyat noong nagdaang gabi at ngayon lang nakabawi paano ba naman kasi inumaga silang dalawa ng kaibigang si Wisley sa pag-iinuman.
"Good evening sir", bati sa kanya ng bartender na si jeff.Tango lang ang ganti niya rito.
"Si marco ba nakita mo?",aniya na luminga-linga pa sa kabuuan ng bar.
"Actually sir,ka-aalis lang niya may a-asikasuhin lang daw muna sandali. Gagawan ko po kayo ng inumin sir?",alok nito sa kanya.
"No thanks, papuntahin mo na lang si Marco sa opisina jeff kapag nakabalik na siya.",
"Okay sir", nakangiting tugon nito.Pagkatapos ay mabilis na siyang nagpaalam rito.
Tatlong katok sa pinto ang narinig ni Tristan maya-maya ng makabalik siya ng kanyang opisina, saka iniluwa nuon si Marco.
"Anong balita?",bungad niya rito.
"Okay na ang lahat sir, mabuti na lang talaga at tinulungan ako ng kaibigan ko, may kaibigan din kasi siyang kumakanta.",
"Mabuti naman kung ganoon", sa wakas nakahinga na rin siya ng maluwag.
Hindi na siya nag usisa pa alam naman niya sa ganoong bagay maasahan talaga si Marco. Ayon sa sinabi nitong kaibigan ay duda siyang hindi lang nito basta kaibigan ang tinutukoy, basi sa ekspresyon na pinakita nito. Ganoon niya ka-kilala si Marco.
"What's up bro",
Si Wisley pagkabukas ng pinto. Bahagya pa nitong tinapik ang balikat niya.Kasunod naman nito si Chris, saka naman umaktong hihiga sa sofa niya. Kaso mabilis niyang napigil.
"Ano ba ako lang ang pwedeng humiga diyan,lumayo ka nga.",aniya na parang bata.
"Ang damot naman nito." reklamo ni Wisley.
Ganito sila kung mag kulitan,parang mga bata. Habang si Marco naman ay panay ang tawa habang pinag-mamasdan ang magka-kaibigan saka naman nagpaalam ito sa tatlo na lalabas na. Kaya lang bago pa man makalabas huminto ito sa paghakbang at lumingon uli sa kanilang tatlo saka nagsalita.
"Nga pala, ang cute niyo", kapag kuwa'y humalakhak ng tawa. saka lumabas.
"Gagong Marco iyon ah", nakangiting wika ni Wisley
Malapit din si Marco sa mga ito, hindi naman kasi mahirap pakisamahan ang mga kaibigan niya.
"Balita ko may girlfriend na ang mokong na iyon." si Chris.
"Hala! iyon siguro, nakita ko kaya siya may kasamang babae noong nakaraang araw. Ang ganda ng syota bro." sigunda naman ni Wisley.
"Saan mo nakita bro? sa motel?" wika naman ni Chris.
Samantalang siya naman ay nakikinig lang sa usapan ng dalawa. Kung narito lang sana si Ashley malamang sinaway na itong dalawa.
Naalala niya tuloy bigla ang ginawang kalokohan ng mga ito noon sa kanya, ka-gagraduate lang nila noon ng college at kasalukuyan silang nag-a-out of town na magba-barkada para sa celebration, at makapag bakasyon na rin.
Nang pag-planuhan siya ng dalawa na ikulong sa kwarto ng may kasamang babae. Pumayag naman ang naturang babae dahil sa may gusto naman ito sa kanya.
Gayong, nakilala lang naman nila ito ng minsang mag-na-night swimming sila. Mestisahin ang babae maganda, kahit na sinong lalaki ay tipong mahuhumaling sa taglay nitong ganda. At may balingkinitan na pangangatawan.
Dahil na rin sa kagustuhan ng mga kaibigan niya na magkaroon man lang siya ng karanasan sa babae kaya nito nagawa ang ganoong bagay sa kanya. At kahit pa man lasing siya ay nasa katinuang pag-iisip pa naman siya ng oras na iyon.
Pinigil niya ang naturang babae sa ginawang paghalik nito sa kanya.
" Pasensiya ka na, kung nagkataon lang siguro na hindi ako mabait malamang pinatulan na kita" aniya kapag kuwa'y iniwan ang babae. Habang ang naiwang babae ay napatanga sa ginawa niya.
Paglabas niya ng kuwartong iyon ay nakaabang sa labas sina Wisley at Chris, na halatang na e-excite sa ibabalita niya.
Hinayaan niya lang ang dalawa kung ano ang nasa isip. Pagkaraan ay nakangiti niyang tinalikuran ang dalawa. "manigas kayo" sa isip-isip niya. saka tuluyan na siyang humakbang.
Ewan ba niya kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob para tanggihan ang magandang babae na iyon. Actually, lalaki lang din siya, kamuntikan na nga niyang madala kanina sa mga halik nito kaya lang ay napigilan niya.
Siguro ay lubhang magalang lang siya, may kapatid rin naman kasi siyang babae.
Knowing chris, marami na rin itong mga nag-gagandahang mga babae na pina-kilala sa kanya, kaya lang ay wala man lang siyang nagugustuhan, isa man sa sa mga ito.
Hindi naman sa pagmamayabang, lapitin talaga sila ng mga babae. At hindi na nila kailangan pang mag effort, silang lima ay sikat noong college days nila kasi lahat sila ay pawang guwapo.
Ang sabi pa nga ng iba bakit hindi na lang daw sila mag -aartista o di kaya ay mag mo-modelo na lang, dag-dag na rin ang kikitain nila sa yaman ng pamilya nila.
Though,anak naman talaga sila ng mayayaman, kilala rin sa larangan ng negosyo ang mga pamilya nila, kaya lang ay iisa lang ang naging sagot nila.
"Simpleng buhay lang ang gusto namin"
Pero kahit na kailan ay hindi nila matatakasan ang katutuhan na may obligasyon sila sa kanya-kanyang pamilya.Tulad na lang niya, gusto ng kanyang ama ay magtrabaho siya sa sarili nilang kompanya ng sa ganoon ay mabihasa siya sa pasikut-sikot ng kanilang negosyo.
Kaya lang, walang nagawa ang kanyang ama kung 'di maghintay kung kailan siya makabuo ng pasya.
"Hoy, tumigil nga kayo diyan. Hayaan niyo nga siya sa love life niya, kalalaki niyo pa namang tao. Ang tsi-tsismoso niyo." saway niya rito.
"Si Ashley ka na ng lagay na iyan bro?" si Wisley.
"Oo nga no?" pagkuwa'y turan niya.
Nagkatawanan lang sila sa sinabi niyang iyon. Si Ashley kasi iyong tipo na sasawayin ka talaga. Seryoso kasi itong tao at masyadong pormal.