"HEY!" Napatingin ako kay Steffan na umupo sa tabi ko. "Bakit ganon no? May nabuntis na nga siya na iba bakit pa niya ako ginugulo?" "Hindi ko din alam ang sagot, Bailela. Bakit hindi kayo magusap?" Umiling ako. "Malabo, pag nakita kami ni barbara baka awayin niya pa ako." Hinaplos ang tyan ko, natatakot ako. "Ilan months na yan?" Tanong niya. "4 months." Gulat pa ito na napatingin sakin. "Seryoso?" Ngumiti ako. "Oo, mas nauna pala ako nabuntis kay barbara na hindi ko namamalayan sa katawan ko." "Ang galing." Pumalakpak pa siya. Napailing na lang ako. "Ikaw ba hindi ka pa nakakabuntis?" "Huh? Nakabuntis? Ano 'yon?" Napatanga ako dahil sa tanong niya. "Huwag mo sabihin konwari wala kang alam kahit meron?" "No! I don't have idea about that." Napatanga ako dahil sa sinabi niya.

