"Celestine Kennedy, What do you think you're doing ha? Gabing-gabi na!"
"Oh. Hi, Mom! You're here na pala." Pasuray-suray akong nag-lakad papasok mula roon sa pinto nitong bahay habang pilit kong tinatanggal at hinuhubad ang kanina ko pang suut-suot na heels.
"Oh my ghad, Anak! Dahan-dahan ka. Saan ka nanaman ba galing ha?" Pag-alalay nito sa akin na nag-aalala pa.
"Gimik, Mom. Gimik!" Sagot ko rito habang ikinu-kumpas kumpas pa iyong dalawa kong kamay sa ere.
"C.K, hindi na tama iyang ginagawa mong palagi ka na lang umiinom at pumaparty. Hindi ko gusto yang mga ginagawa mo! Hindi puwede sa akin ang ganyan."
"Ma? Nag-sasaya lang naman ako ha? May masama ba sa ginagawa ko?" Reklamo ko sa kanya. Bakit hindi ko ba puwedeng gawin kung ano ang gusto ko? Tss... So boring naman kung dito lang ako sa bahay mag-hapon mag-sstay.
"Sige na, umakyat ka na roon sa kuwarto mo at mag-pahinga ka na! Bukas na tayong dalawa ulit mag-usap kapag matino na yang isip mo at hindi ka na babad sa Alak!" Singhal pa nito sa akin habang nakahawak ito sa aking braso.
"Ano ka ba naman, Ma. Hindi pa naman ako lasing na lasing. Kayang-kaya ko pa nga ang sarili ko o? Look!" Sabi ko rito habang pilit akong nag-lalakad ng diretso para ipakita sa kanya na kaya ko pa at matino pa ang isip ko.
"C.K! Makinig ka sa sinasabi ko sa'yo. Matulog ka na doon sa Room mo at bukas na tayo mag-usap. Okay?"
Okay, Fine. Sige! Sabi ko nga mag-papahinga na ako.
---- --- ----
Ugh! My head. Nahihilo ako. At ang sakit-sakit nang ulo ko.
"Ate Claring!" Sigaw ko mula rito sa loob ng room ko. Oh my ghaad, So bagal!
"Celestine Kennedy! Rinig na rinig kita mula dito sa baba ha? Puwede bang bumaba ka na dito? At huwag mo nang buwisitin pa ang Yaya mo?" Rinig ko pang pag-sigaw nito sa akin mula doon sa Ibaba.
Sa pag-kabuwisit wala na akong nagawa kung hindi ang tumayo na mula sa Bed ko saka ako diretsong pumasok noong CR para mag-hilamos at mag-toothbrush.
"Kennedy ha, not that attitude!" Salubong nito sa akin pagkababa ko galing doon sa Itaas.
Hindi ko na siya sinagot sa sinabi niyang iyon at napairap na lamang ako at diretso nang naupo roon sa tapat niya.
"Uhm... Ayan, mag-gatas ka. Kainin mo yan with cereal."
"Pancakes you want?"
"No. Thanks. I'm good with these." Saka ko ibinuhos iyong gatas sa bowl of cereals ko.
"It's already ten o'clock in the evening nong umuwi ka kagabi. Lasing ka nanaman! What's the reason behind bakit nag-iiinom ka? May problema ka ba?" Panimula nito sabay higop doon sa Cup of coffee na hawak-hawak niya.
"It's just nothing, Mom. I just missed partying. Drinking. Yon lang! Wala ng iba! Saka wala naman sigurong masama sa ginagawa ko hindi ba?" Dire-diretso kong sagot ko rito habang nilalaro-laro pa iyong kutsara sa na nasa bowl sa harap ko.
"Tsk tsk... C.K, hindi porket wala kang klase kinabukasan e... Gagawin at gagawin mo na iyang gusto mo! Hindi puwede sa akin yang ganyan ha!"
"Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko, Anak?" Binitawan ko na muna iyong hawak kong spoon saka ako itinaas ang mukha ko sa harapan niya.
"Gets ko na. Alam ko naman iyan, Mom. There's nothing to worry about!" Sabi ko saka pa ikinumpas-kumpas ang isa kong kamay sa tapat niya.
"O sige na... Kumain kana muna. Then later afternoon. Samahan mo ako sa labas." Napataas naman iyong kilay ko dahil doon sa sinabi niyang iyon!
"Let's go to the mall. Samahan mo akong mag-shopping. Then, mamili ka na rin nang kung ano ang mga gusto mo at mga kailangan mo." Anito saka pa siya kumindat sa akin.
"Owkay? Fine! Sige."
**** *** ****
"Do you want anything, Kennedy? Sige na. Mamili ka na while we're still here." I'm just staring blankly for some items at nilalagpasan ko lang ang lahat nang mga madadaanan ko.
"Do I really need to buy something?"
Saka ito napatingin sa akin nang diretso.
"If you want something, Anak. Why not? Kaya hangga't nandito pa tayo kuhanin mo na at ako na ang bahalang mag-bayad. Okay?" Anito saka pa ako hinawakan sa dalawa kong kamay at ngumiti siya sa akin.
"Why did you do this?"
"What?" Kunot noo naman nitong sagot sa tanong ko. Pero nakatingin lang ako sa kanya saka ako naupo doon sa maliit na chair na nasa tapat nitong shelf section nang mga shoes and heels.
"Aalis ka na? Tama ako di ba?" Sa susunod na araw na ang flight mo palipad papuntang States." Saka ko siya muling tinignan sa mata.
Napatulala siya nang dahil doon sa mga sinabi ko dahilan para hindi siya agad na makapag-salita.
"Teka, Paano mo nalaman?"
"Ma... Kung hindi ko pa ba nalaman, hindi mo pa ba ipapaalam sa akin? Wala ka bang balak sabhin sa akin?"
"Sa bahay na tayo mag-usap. Ipapaliwanag ko sayo lahat ng maayos. Sige na. Ahh... Kuhanin mo na lahat ng gusto mo tapos umuwi na tayo. Mag-padeliver na lang tayo sa bahay nang kakaininin natin for Dinner later." Sunud-sunod nitong sabi saka ito naunang nag-lakad sa akin.
"Let's go!" Rinig kong sabi nito bago niya tuluyang mapaandar iyong sasakyan.
"Mom..." I'm seating on the passenger seat while she's driving.
"Yes, Honey?" Hindi siya nakatingin sa akin habang patuloy siya doon sa kanyang pag-mamaneho.
Napabuntong hininga pa ako bago ako ulit mag-salita.
"Do you really need to go to States, Mom?" Biglang naiba yung ekspresyon ko kaninang urat na urat na.
"Do you really want to talk about it here?" Napalingon ito sa akin habang nag-dadrive.
"I will expain everything to you!" Dagdag pa nito nito at mabilis na hinaplos ang aking kaliwang pisngi.
"Kennedy, Anak. Since alam mo na din naman at nalaman mo nang aalis na ako. I will let you know about it na." Panimula nito habang seryoso itong nakatingin sa akin.
"Pero bakit kailangan mo pang bumalik doon? Puwede namang dito na lang di ba?" Bakit kailangan niya pang paulit-ulit na umalis? Bakit kailangang paulit-ulit niya rin akong iwanan?!
"You know how much I really want na doon ko I-manage ang business natin, di ba?"
"Hindi ba puwedeng dito ka na lang mag-trabaho? Bakit kailangang lumabas ka pa nang bansa at doon mo pa I-manage yang what so called Business mo kung puwede namang dito ka na lang mag-stay?" Sunud-sunod kong tanong sa kanya.
Nag-uumapaw nanaman ang emosyon ko at sama nang loob dahil dito sa mga nararamdaman ko. At hindi ko gustong nag-kakaganito kami.
"Kennedy, To answer your question anak... Yes. Puwedeng dito na lang ayusin ni Mommy ang lahat but I am working for it pa! Makakapag-antay pa naman yon hindi ba? Saka anak, hayaan mo... Kapag naayos ko na lahat-lahat nang mga dapat ko na ayusin. Hindi ko na kailangang mangibang bansa para sa Negosyo natin. You know ang business, kailangan hands on ka. And wala pa tayong masyadong tao na puwede kong iwanan para mag-handle non."
"Hanggang kailan yan, Mom?" Medyo nalulungkot kong tonong tanong.
"Until everything is fine, Honey! And I hope you understand. Sige na... Umakyat ka na muna doon sa kuwarto mo. Bumaba ka na lang ulit dito kapag ready na ang Dinner." Aniya saka ito ngumiti sa harapan ko.
"Yung everything na ginagawa mo para sa akin... You let me buy everything that you think that I want and I need? You spoiled me sa lahat nang bagay na sa tingin mo makakapuno sa lahat nang pangangailangan ko? Ma, hindi mo kailangang gawin lahat nang iyon dahil sa tingin mo iyon ang mag-papasaya sa akin." Napatigil siya siya nang marinig niya lahat ng salitang iyon galing sa akin.
"No! Ma, hindi mapupunan nang kahit na ano mang bagay iyong mga pag-kukulang na nararamdaman ko. Hindi yon ganon, Ma. Hindi yon ganon kadali!"
"Are these for me, Mom? Kasi kahit kailanman hindi ko maiintindihan kung bakit ito yung mga ginagawa mo." Pakiramdam ko any moment mag-bibreakdown na ako dahil sa mga halu-halong emosyon na nararamdam ko.
"Honey! Lahat nang ginagawa ko is para sayo, alam mo yan! Para sa family natin. Para sa ikabubuti mo at para sa ikagaganda nang buhay mo. Wala akong kahit na anong gagawin para lang sa sarili ko, anak. Kasi hindi ako makasarili! Yon ang tatandaan mo. I sacrificed a lot para ma-make sure kong secured tayo sa lahat ng aspeto. And I want you to understand the situation. Gusto ko na maintindihan mo kung bakit ginagawa ko lahat ng 'to for our family. Huwag kang mag-alala... Unti-unti mo ding makikita yung rason sa mga bagay na ginagawa ko. Maybe not now, But you will see it later, My dear. Okay?" Sabi pa nito saka ito lumapit mula doon sa kinatatayuan ko at inakap ako.
These are too many dramas! And I can't hold my tears anymore. Bumagsak na nang tuluyan ang lahat ng mga luha na kanina ko pa pinipigilang bumagsak. Hindi ko na kaya kaya naiwan ko na siya roon at diretso na akong pumasok nang Kuwarto ko at nag-lock na ng Pinto.
Maybe she's right. I can't understand all the things that she is doing by now.
Pero kailan ko kaya maiintindihan na lahat nang mga bagay na ginagawa niya is para sa aming dalawa?
~~~~ ~~~ ~~~~~
Nagising ako mula doon sa ingay nang Alarm clock ko na naroon sa Side table nitong Bed ko na agad ko rin namang pinatay.
Naupo pa akong saglit galing sa pag-kakahiga, bago ako tuluyang tumayo at mag-punta nang CR para mag-hilamos, mag-toothbrush at ayusin ang sarili ko.
I already changed my clothes. Saka ako nag-decide na lumabas na noong kuwarto ko.
"Asaan si Mommy?" Tanong ko roon sa kasama kong Maid.
"Umalis na po si Ma'am kaninang umaga para doon sa flight niya papuntang Amerika."
"Ahh... Talaga?" Yon na lamang ang naging sagot ko sa kanya. Pero deep inside mabigat na ang kalooban ko.
"Ma'am... Pinag-luto ko na po kayo nang Pancakes na gusto ninyo. Nandiyaan na rin po yung Gatas na ready na ninyong inumin." Rinig ko pang sabi nito sa akin saka siya bumalik doon sa may Kusina.
Hindi ko siya pinansin sa mga sinabi niyang iyon sa akin saka ako diretsong pumunta sa may Salas at doon ako naupo. Nililibang ko lang ang sarili ko sa pag-sscroll sa aking mga social media accounts saka naman ako saktong nakatanggap ng Text message galing sa Mom ko.
"Hi, Honey! Pasensya ka na at hindi ko na nagawang makapag-paalam sayo. Hindi na kita ginising kanina at tulog na tulog ka pa. I will call you as soon as makarating ako sa States to update you okay? By the way... Kumain ka na agad ng Breakfast pag-gising mo. I got to buy some food stocks for you para hindi ka na mag-puntang grocery para sa mga susunod na araw na lilipas. Mag-iingat ka diyan saka mag-aral ka nang mabuti! Got to go now." Napabuntong hininga ako at the moment na mabasa ko iyong message from her.
Ano pa nga ba ang magagawa ko? Nakaalis naman na siya. At saka nong time naman na nandito pa siya at magkasama pa kami dito sa bahay... Hindi ko na rin naman siya mapipigilang umalis kahit na ang para sa akin ayoko nang bumalik pa siya doon sa States.
As usual... Ako na lang nanaman ang titira sa bahay na ito. I got to do everything on my own! Saka hindi ko naman na sana kailangan pa ng Yaya na kasamang titira sa bahay na ito dahil kaya ko naman ang sarili ko.
I stood up from the couch para sana umakyat na muna sa aking kuwarto sa Itaas. Nang lumabas itong si Ate Claring from the Kitchen.
"Ma'am... Hindi po ba kayo mag-bibreakfast?" Nilingon ko siya at tinignan lang siya mula ulo hanggang paa.
"Should I eat that breakfast?" Saka ko siya tinaasan ng kilay.
"Binilin po kasi sa akin ng Mommy ninyo na pag-lutuan kayo ng kakainin mo para sa umagahan." Sabi pa nito sa akin.
"Well... I don't have to eat that Pancakes, okay? Kung gusto mo ikaw na lang ang kumain niyang hinanda mo. At kung ayaw mo, Itapon mo!" Tumalikod na ako sa kanya at diretso na akong umakyat ng second floor.
"By the way... Huwag na huwag mo akong tatawagan mamaya. Aalis ako. Ayoko nang istorbo!" Dagdag ko pang sabi bago ako tuluyang umakyat at pumasok doon sa kuwarto ko.
Psh. Concerned kuno!
"Bigyan mo ako ng tatlong shot ng Tequilla!" Sabi ko roon sa Bartender pag-upo na pag-upo ko doon sa tapat niya.
"Narinig mo ba nang maayos iyong sinabi ko o gusto mo pang ulitin ko?" Pag-tataray ko roon sa kanya.
What's the problem people? Oh my ghaaaad, So tanga!
Agad ko namang ininom nang tatlong sunud-sunod iyong tatlo ring nakalatag na shot glass sa harapan ko.
Matapos non ay napalunok pa ako ng matindi.
"Ackk... I missed these!" Saka ko diretsong inilapag iyong huling shot glass na hawak ko.
Napalingon pa ako sa paligid ko nang bigla kong makita ang isang lalaking nakatingin sa akin sa hindi kalayuan.
Napataas naman iyong kilay ko. Saka ito dahan-dahang lumapit sa kinauupuan ko.
"Hi." Nakangiti pang pag-kakasabi nito. Napalunok akong muli bago ako tuluyang sumagot doon sa kanya.
"Excuse me?" At napakunot pa iyong noo ko.
"Can I join you?" Nakakaloko pa nitong pagkakasabi sa akin. Hindi ako sumagot sa kanya at tinitigan ko lamang siya mula ulo hanggang paa.
Saka ako nag-taas nang kilay sa kanya.
"Okay?" Patanong ko pang pagkakasabi.
"Carlos and you are?" He actually introduced himself to me and lend me a hand for a handshake. Napatingin ako doon sa kamay niyang iyon na ngayo'y nasa tapat ko at hindi iyon pinansin.
"May I know your name, Miss?" Napatingin akong uli sa kanya matapos kong marinig yon galing sa kanya.
"I'm sorry but I don't talk to stranger." Pag-tataray ko pa rito.
"Alam mo na ang pangalan ko hindi ba?"
"Sinabi ko ba sayo that I'm interested? At sinabi ko ba sayo na I-introduce mo ang sarili mo sa akin?" Tss... Hindi ko maiwasang mapairap sa lalaking 'to. Nag-iinit ang ulo ko ha?
"Pero sinabi mo sa akin na puwede kitang samahan dito."
"I'm sorry. May short term memory ako. Nakalimutan ko! Puwede ka nang umalis, Car-do."
"Excuse me? Carlos ang pangalan ko."
"I don't fvcking care about what your name is!" Nakakainis. Ugh! Kaya nga ako nag-punta rito para mag-release ng stress hindi para mastress lang sa mga taong walang sense kausap.
"O Ikaw, anong tinitingin-tingin mo dyan? Ngayon lang ba kayo nakakita ng maganda?" Singhal ko roon sa lalaking nakita kong nakatingin sa akin mula doon sa kabilang table.
"Bakit ba ang papanget nang mga tao dito? Tss..." Bulong ko na lamang sa sarili.
"Two shots pa ng Tequilla!" Request ko pa doon sa Bartender na nasa harapan ko.
Iam currently enjoying my drink nang marinig kong nag-riring iyong Phone ko. I managed to take my Phone to check kung sino iyong tumatawag sa akin. And It's my Mom.
"Why Is she calling?" Napatingin na lamang ako name niyang nag-paflash doon sa screen ng cellphone saka iyong diretsong pinatay.
"C.K, Where are you? Why you're not answering my call?" Muling tumunog iyong phone ko.
"Mom, I'm busy! Ako na lang ang ko-contact sa'yo later." Mabilis ko namang reply sa kanya saka direktang tinurn off iyong phone ko. I did it on purpose para hindi niya na ako matawagan.
She don't have to update me about what she is doing with her life. Whether she is working or doing something just for her own sake. At uuwi lang siya dito sa Pilipinas kung kailan niya maisipang umuwi. Para nga lang niyang ginagawang bahay bakasyunan iyong bahay! Saka sanay naman na akong mabuhay ng mag-isa. Oo. Nasanay na ako sa ganong eksena ko araw-araw.
Gigising ako sa umaga. At ipag-hahanda ang sarili ko sa mga bagay-bagay na dapat kong gawin at harapin ng mag-isa!
Isa pa... Hindi ko rin naman totally nararamdaman na may Nanay ako, because I'm always alone. Living my life with my whole self.
Kinuha ko iyong bote ng isang Beer na nasa harapan ko saka iyon diretsong nilagok.
"Ma'am... Hindi po sa inyo ya--" Hindi na nito natapos ang kanyang sasabihin nang bumungad sa tapat ko ang isang matangkad na lalaki.
Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya...
"It's okay. Just let her drink. Bigyan mo na lang ako ng bago." Sabi nito doon sa Bartender saka na ito agad na sumunod sa sinabi nong lalaki.
I'm little bit dizzy dahil sa medyo marami na rin ang nainom ko simula kanina.
Inilapag ko na iyong bote sa table na kanina ay hawak-hawak ko sa isa kong kamay. Nakalahati ko lang iyong laman nang bote at pakiramdam ko anytime mag-papass out na ako.
But before that... I managed to get my wallet inside my bag pa at agad na inilapag sa harapan ng cashier iyong one thousand peso bill.
I decided na umalis na nitong Bar habang pasuray-suray pa nang kaunti ang nagiging lakad ko papuntang exit nitong place.
"Maybe, I can help you Miss?" Naramdaman ko iyong pag-hawak niya sa aking left forearm mula sa likuran ko.
"No. I can walk by myself. You don't have to help me." Alam ko sa sarili kong kaya ko pa kahit na medyo nakakaramdam na ako ng hilo. Dahil klaro pa naman sa akin iyong mga nangyayari sa paligid ko.
Hindi ito nakinig sa akin at naka-alalay pa rin ito doon sa likod ko.
"Sa tingin ko hindi mo na kaya. Baka matumba ka pa! Wala ka bang kasama dito? Kukuhanan na lang kita ng Taxi doon sa labas." Pilit kong inaalis iyong kamay niya mula sa pag-kakahawak niya sa akin.
"Kaya ko. Kaya ko pa ang sarili ko kahit na mag-isa ako, Stranger!" Singhal ko roon sa kanya nang hindi siya tinitignan.
"Tss... You can't. So that's why Iam here to accompany you. So let me help you, Miss. Don't worry... Tutulungan lang kitang makahanap nang masasakyan mo pag-katapos iiwanan na kita. Saka sa sitwasyon mong yan, I'm sure enough na hindi mo na kaya." How nice is he naman para tulungan ako.
"May kotse ka bang pumunta rito?" Tumango lang ako sa kanya.
"Sige. Mag-taxi ka na lang pauwi sa inyo. Then yung car mo balikan mo na lang dito kapag okay ka na. Safe naman iyon dito. So you don't have to worry about it!" Dagdag pa nito sa sinabi.
"Sir, pahatid na lang siya sa Address na sasabihin niya sa inyo." Rinig kong sabi nito roon sa Driver. Matapos kong makapasok at makaupo doon sa loob nitong Taxi.
"Okay, Sir. Ako na pong bahala!" Isinara pa nito ang pinto nong Taxi saka na tuluyang pinaandar nong Driver itong sasakyan.
Hindi ako sanay na nagko-commute whenever na umaalis ako ng bahay. At wala akong choice kung hindi ang sumakay sa sasakyang ito.
Dahil asta nong lalaking iyon... Hindi niya ako titigilan hangga't hindi niya name-make sure na okay ako.
Bakit ba masyado siyang concern sa akin? Sino ba yon? Mukhang ginagawa niya yon sa lahat ng babaeng makakasalubong niya sa Bar na iyon!
Saka hindi ko kailangang maging curious sa lalaking iyon. He just helped me. That's it. At hindi ko iyon magiging utang na loob sa kanya.
"Excuse me, Ma'am. Saan ko po pala kayo ibababa?" Napataas na lamang iyong dalawang kilay ko sa Driver nitong Taxi.
"Just drive and go. Sasabihin ko na lang sa'yo!"