BTVT #5: Memoir [JOAQUIN]

3186 Words
"She's a kinda mysterious girl to me. But at the same time interesting." Bulong nitong si Joaquin sa sarili. Hindi mawala sa isipan ng binata ang tungkol sa babaeng minsan niyang tinulungan doon sa Bar. At hindi nito sukat akalain na mag-kikita pa pala silang dalawa pagkatapos nong insidenteng nangyari noon. "Bro, parang ang lalim naman ata nang iniisip mo diyan?" Bungad sa kanya ng kapatid niyang si Luis pag-pasok na pag-pasok nito galing sa labas nong bahay. Kasalukuyan kasing nasa Salas itong si Joaquin nang dumating si Luis galing sa kanyang trabaho. Naka suit and Tie pa ito at pormal na pormal pa sa kanyang suot. "Oh, Kuya nandiyan ka na pala! Si Daddy nasaan na?" Naupo na muna ito sa katabing upuan ni Joaquin bago ito tuluyang sumagot sa tanong ng kapatid. "Si Dad? Ayun, nag-paiwan na muna doon sa Opisina. Kaya nauna na akong umuwi sa kanya. Wala naman na akong ibang gagawin at aayusin don kaya umalis na ako. O teka... Ako ang nag-tatanong sayo hindi ba?" "Ha?" Medyo gulat pa nitong pagkakasabi. "Ayos ka lang ba? Ang sabi ko malalim ata yang iniisip mo at ganyan ang itsura mo diyan." Medyo natatawa-tawa pa nitong sabi kay Joaquin saka pa ito umiling-iling. "Babae yan no?" Saka pa nito siniko sa tagiliran ang kapatid. "Ewan ko sayo, Diyan ka na nga!" Anito saka ito biglang tumayo mula doon sa Couch at iniwan nito si Luis doon na hanggang ngayon ay natatawa pa rin dahil sa Kapatid. Tuwang-tuwa si Luis na nakikitang parang natotorete at natutulala si Joaquin pag babae ang pinag-uusapan. Kaya inaasar niya ng inaasar ang binata na halata namang effective sa kapatid niya. Si Luis ang Eldest sa kanilang mag-kakapatid pero higit tatlong taon lamang ang kanilang agwat kaya naman hindi na totally na tinatawag ni Jaoaquin si Luis na Kuya. Madalas na libangin ni Joaquin ang sarili sa pagko-computer at pagbabasa ng Libro lalo na kapag mas pinipili nito ang mag-stay sa loob ng kanyang kuwarto sa kanilang bahay kaysa ang lumabas kasama ang barkada. Natigil ito sa kanyang pagbabasa nang marinig niyang may kumakatok sa pintuan ng kanyang kuwarto. "Bukas yan." Maikling sabi nito nang hindi pa rin tumatayo mula doon sa kanyang upuan. "Sweetie, Nandito ka lang pala sa loob ng room mo. Bakit hindi ka lumalabas? Okay ka lang ba diyan?" Panimula nitong si Sonia pag-bukas nito ng pintuan. "Yes, Mom. Okay lang po ako. May kailangan ka po ba?" Nakangiti pa nitong pagkakasabi sa Ina. "Wala naman. Umakyat lang ako dito para silipin kung nandito ka. Akala ko kasi lumabas ka kasama ng mga kaibigan mo. Hindi ka pa ba nagugutom? Gusto mo ba padalhan kita dito ng makakain?" Dire-diretso nitong sabi saka ito lumapit kay Joaquin. "Salamat, Ma pero hindi pa naman ako nagugutom. Bababa na lang po ako kapag kakain na ako." Sagot naman nito kay Sonia. "O sige, Ikaw ang bahala. Bababa na muna ako no? At baka dumating na ang Daddy ninyo. Aasikasuhin ko lang." "Sige po." Her Mom, Sonia is very close and caring sa kanilang tatlong mag-kakapatid pero mas kapansin-pansin ang pag-mamahal and pagiging maalaga nito sa Anak na si Joaquin. Larawan sila ng isang masaya ngunit simpleng pamilya sa kabila nang Estado nila sa buhay. As a family kasi mas gusto nilang mabuhay ng simple lang at pinalaki nina Ric at Sonia ang kanilang mga anak ng may takot sa Diyos, Mababait at itinuro nila sa mga ito ang matutong maging kuntento sa kung anong mayroon sila sa buhay at ang palaging nakatapak ang mga paa sa Lupa. Natigil sa kanyang ginagawa itong si Joaquin nang pumasok nanaman sa kanyang isipan ang Dalagang tinulungan niya doon sa huling Bar na kanyang pinuntahan. Para itong sira ang ulo na dahil napapangiti siya kapag naiisip niya iyong nangyari sa pagitan nilang dalawa nong Babae. Iniisip niya na kakaiba ito at talaga namang ibang klase kung iisipin kaya naman hanggang ngayon ay hindi mawala sa isip niya ang mga bagay na tungkol doon. Dinampot nito ang Cellphone na nasa tapat niyang Mesa nang makita niyang umilaw 'yon saka iyon agad na binuksan upang mabasa ang text message. "Tol, Nasa bahay ka lang ba ngayon?" Nag-iba namang bigla ang timpla ng mukha ni Joaquin nang mabasa nito ang text message na galing sa Kaibigan. "May pa-welcoming party kila Angelo, mamayang gabi. Hindi ka ba niya tinext o tinawagan tungkol doon?" Tumunog pang muli ang phone nito dahil sa sumunod na message ng kaibigan. Hindi na nito ginawang pansinin sa Martin sa magkasunod nitong messages sa kanya. Walang gana pa nitong ibinagsak ang sarili sa higaan saka nag-umpisang ipikit ang kanyang mga mata nang biglang mag-ring ang kanyang Phone na nasa tabi niya. Agad niya din naman niya itong kinuha upang I-reject ang call na iyon. Pero wala pa man ding ilang segundong ibinababa nito ang kanyang cellphone e tumunog muling iyon, dahilan upang mairita itong si Joaquin kaya naman napilitan na lamang siyang sagutin ang tawag galing kay Martin. "Tol, Bakit naman binab--" Bungad nito sa kanya. "Ano bang kailangan mo? At ang dami mo nanamang oras diyang manggulo!" Singhal naman nito kay Martin na hindi na nito pinatapos sa pag-sasalita kanina. "Ang sungit mo nanaman, Pre. Meron ka nanaman ba?" Pang-asar pa nito habang nag-pipigil ng tawa sa kabilang linya. "Ano bang kailangan mo kasi?" Saka naman muling nag-bago ang kanyang tono nang pananalita. "Hindi mo nabasa yung mga text message ko sayo? Hoy, maglalabas ka naman kaya diyan sa Kuwarto mo para hindi ka nalo-lonely." "Ikaw kung ano nanaman yang mga sinasabi mo e! Binasa ko hindi lang ako interesado. Saka bakit kailangan mo akong isama diyan. Babae nanaman yan no?" Anito sa kaibigan. "Anong bago doon Apollo? Siyempre kasama na yon. Ano ka ba naman, Dude!" Proud pa nitong pagkakasabi. "Ano, Tara mamayang gabi. Sumama ka sa akin. Bigyan mo naman ng excitement at kulay ang buhay mong yan, Apollo. Ang boring mo e!" "Hindi ko kailangang maging cool katulad mo. Kung pagiging cool ang tawag mo diyan ha! Tsk tsk. Saka do I need to go there ha? Speaking of the text invitation na sinasabi mo? Yah, He texted me about that Welcoming party para sa brother niya and I said No. Dahil may kailangan akong ayusin!" Dire-diretso pa nitong sabi kay Martin. "No, Tol. Hindi mo dapat sinabi yon sa kanya. Dapat umoo ka at sinabi mong you will be there! Napaka-Kill joy naman nito o? Ano tara... Gusto mo ba sunduin pa kita diyan ha?" "Tigilan mo ako para kang bading!" Reply nito sa Kaibigan na ngayo'y natatawa na. "Okay, Tol... I'll be there at Five minutes. Mag-bihis ka na! It will be fun sinasabi ko sayo. Pag-uwi mo after the party may chic ka na." Sabi pa nito habang natawa pa din. Saka naman diretsong ibinaba ni Joaquin iyong tawag. Just what Martin said, Dumating siya sa bahay nina Joaquin makalipas ng limang minuto. Dire-diretso itong pumasok sa loob at nakasalubong pa nito ang Kapatid ng Kaibigan na si Sofia. "Hey, Sofia kumusta? Long time no see!" Bati nito sa Dalaga nang makarating siya doon sa Salas ng mismong bahay. "Oh Hi, Kuya Martin!" Medyo gulat pa nitong sabi nang makita kung sino iyong pumasok. "I'm doing good. O anong meron bakit naligaw ka ata dito?" Tanong pa nito sa kanya. "Good to hear! You look much beautiful today, Dalaga ka na talaga. May boyfriend ka na no?" Pamumuri pa nito sa Dalaga. "Hmm... Bawal pa akong mag-boyfriend." Nakangiti pa nitong sabi. "By the way, If hinahanap mo si Kuya Joaquin nandoon siya sa room niya, Hindi pa lumalabas simula kanina. Katukin mo na lang if you want!" Dagdag pa nito saka diretsong lumabas. Naiwan na doon si Martin sa salas nang bahay saka ito nag-paalam at nagsabi sa Katulong ng pamilya nina Joaquin na aakyat lang siya sa Kuwarto ng binata. "Apollo, Open the door bro!" Sabi nito mula doon sa harapan nong pintuan habang kumakatok. Pero walang sumasagot galing doon sa loob ng kuwarto. Tinry nitong pihitin at buksan iyong pinto pero nakalock iyon. "Apollo, Buksan mo nga itong pinto. Panget mo naman kabonding, Bro! Ang panget ng trip mo, Hoy!" Aniya habang pinipilit nitong buksan iyong Door knob. "Bahala ka sa buhay mo!" Sigaw naman nitong si Joaquin kay Martin. Relax na relax pa itong nakahiga doon sa kama niya habang nag-babasa nang hawak niyang libro. Ilang segundo pang nag-antay doon si Martin nang nakasandal ang kanyang likod sa pintuan nang bigla itong matumba patalikod gawa nong buksan na ni Joaquin ang pinto ng room niya. Plakda naman ang likod nitong bumagsak doon sa Rug na nasa tapat nong pintuan. Diretso lang na bumalik itong si Joaquin doon sa kanyang upuan na parang walang nangyari! "Hoy, Papatayin mo ba ako ha?" Singhal naman ng Kaibigan habang hini-himas nito ang likod na bumagsak doon sa Sahig. "O nandiyan ka pala, Bro!" Reply nitong si Joaquin sa kanya nang hindi siya nililingon. "Ikaw, Tol minsan masama talaga yang ugali mo e!" Pigil tawa naman itong si Joaquin dahil sa sinabi ng Kaibigan. Matapos pa nang ilang pangungumbinsi nitong si Martin kay Joaquin ay napilit niya din itong mapasama doon sa Party na kanina pa nito binabanggit sa kanya. "Sasama ka din naman pala e! Tol, It's gonna be fun. I promise!" Sabi pa nito saka agad na Inistart iyong sasakyan. *** **** *** Madami na ang tao nong dumating sila at halos nag-uumpisa na din yung Party. Ni hindi nila makita si Angelo na may ari nong bahay dahil din sa sunud-sunod na taong nag-lalabas pasok sa buong place. Hanggang sa isa mga kakilala nila at Kabigan ang lumapit at nag-approach sa kanilang dalawa ni Martin. "Bro, Buti nakarating kayo! Kanina pa namin kayo Inaantay. Hali kayo, pasok na tayo sa loob." Anito matapos nito silang akapin at tapikin sa likod saka sila inakay papasok doon sa loob ng Isang malaking bahay. Daig pa nong Party na iyon ang isang malaking Okasyon sa sobrang laki noong mismong event at handaan sa dami ng tao na naroon sa mula doon sa labas hanggang sa pool ng kanilang bahay. Dinala sila noong lalaking sumalubong sa kanila kay Angelo at doon sa mismong kapatid nito na rason kung bakit mayroon silang Welcoming party. Hindi na rin naman bago kay Martin at Joaquin ang nakakabatang kapatid ni Angelo na si Aaron dahil matagal naman na sila nitong mag-kakakilala. As usual... Kapag sinabi nating party. Nandiyan ang inuman, kuwentuhan na walang humpay at mga babae. Masayang nag-kumustahan sina Joaquin, Martin kasama si Angelo na kanila ding kaibigan simula noong sila ay mga Teenager pa. Ngayon na lamang sila halos nag-kita kita matapos nang Ilang taong naging mag-kakaklase sila nong Highschool. Kaya naman grabe ang kanilang naging kuwentuhan tungkol sa kanilang naging memories nong sila ay nag-aaral pa sa Highschool hanggang sa mga gusto nilang mangyari sa kani-kanilang Future. Nasa malaking parang Guest receiving area sila ngayon. Mayroon pang Bar and Liquor station sa loob at Bartender na nag-titimpla ng iba't ibang klase ng drinks. Patuloy lang sila sa inuman, pag-kain at kuwentuhan nang tumunog iyong Cellphone ni Joaquin. "Ahm... Excuse me, Sasagutin ko lang itong phone call." Singit nito sa usapan ng mga kaibigan saka diretsong tumayo at lumabas nong place kung nasaan siya. "Hello, Mom? Napatawag ka po?" Bungad nito sa kausap doon sa kabilang linya. "Honey, Your Dad is looking for you. Tumawag ako para sabihin sayo na we're planning to have Dinner later. Where are you?" Sunud-sunod nitong sabi. "I'm sorry, Mom. Hindi ko nasabi sa'yo kung saan ako pupunta earlier. Si Martin kasi, Inaya ako dito kala Angelo. E hindi na ako nakapag-paalam sa inyong aalis ako." Paliwanag pa nito sa kanya. "Oh! It's okay, Honey. So you're with your friends pala. Then this means you can't make it to go home later?" "If you and Dad wants me to be there... I can do that naman, Ma. Mag-papaalam lang ako sa mga kaibigan ko dito. So that I can go home di'ba?" Nakangiti pa ito habang sinasabi ang mga iyon sa Ina. "Aww. That's so sweet of you, Anak! Gagawin mo talaga yon? Are you sure ha? Okay lang naman if hindi ka makakaabot. Ako na ang bahalang mag-explain sa Daddy mo." "No, Ma! It's okay. Okay lang po talaga." "You sure ha?" Bakas naman ang pag-aalala at pag-kaguilty nitong si Sonia sa kanyang boses habang kausap ang anak. "Yes, Ma. Ako na pong bahala! Don't worry about it." Saka nito ibinaba ang tawag pagkatapos. Pabalik na sana ito sa loob kung nasaan ang mga Kaibigan nang may isang familiar face siyang nakita mula doon sa kinatatayuan niya. Napalingon pa siya ulit upang masiguradong tama nga ang kanyang nakikita sa lugar. It's the girl who saw at Bar before na Blockmate niya din sa ilang subject sa College. Pinagmamasdan niya lang ito from the place where he is standing until mapag-tanto niyang baka mali lang siya nang nakikita dahil medyo nakainom na rin siya ng Alak simula kanina. Kaya naman nag-decide na itong bumalik doon sa loob para agad na ding mag-paalam sa mga kaibigan nito na kailangan na niyang umuwi. "Sorry mga Bro, Kailangan ko na palang umuwi sa bahay." Panimula nito sa harapan nina Angelo at Aaron. "O bakit, Apollo anong problema?" Medyo worried pang pagkakasabi nitong si Angelo. "May emergency lang sa bahay kaya kailangan ko na sanang umuwi at umalis. Mom ko iyong kausap ko kanina sa Phone." "Bakit anong nangyari, Brother?" Singit pa nitong si Aaron. "Don't worry guys, Hindi naman 'to ganoong kalaking bagay pero kailangan kasi nila ako doon! Pasensya na kung aalis ako agad at hindi ako makakapag-stay dito ng matagal kasama niyo." Paliwanag pa nito sa kanila. "O gusto mo ba, Ihatid na kita, Bro?" Alok pa nitong si Angelo. "O sinong ihahatid? Sinong uuwi?" Singit naman nitong si Martin galing doon sa Likuran. "Itong si Joaquin. Kailangan na raw umuwi at emergency sa bahay nila." Sagot nitong si Angelo sa tanong niya. "Ha? Asus! Alibi niya lang yan. Huwag kayong maniniwala diyan!" Sabi pa nitong si Martin na talagang ayaw maniwala sa rason ng Kaibigan. "Kailangan ko na ngang umuwi, Delgado! Tumawag sa akin si Mommy. Something came up pati Dad ko hinahanap ako." Seryoso namang sabi nito saka niya pa tinap sa balikat itong si Martin. "Seryoso ba talaga yan, Bro?" Lumapit pa ito sa kanyang tainga saka iyon ibinulong sa kanya. Saka naman nito siniko sa dibdib ang Kaibigan... "Ewan ko sayo, Siraulo!" Aniya. "Sige na, Mauna na muna ako sa inyo. Kailangan ko na talagang umalis." Ulit niyang paalam sa mga Kaibigan. "Sigurado ka ayaw mo nang Ihatid ka namin?" Ulit pang tanong nitong si Angelo kay Joaquin. "Hindi na, Okay lang ako tol. Kaya ko na 'to. Mag-tataxi na lang ako pauwi!" Reply nito sa sinabi ng Kaibigan. "Sigurado ka, Apollo? Puwede naman kitang ihatid hanggang sa makalabas ka nitong Subdivision para doon ka na lang mag-antay nang masasakyan mong Taxi." Singit pa nitong si Martin. "Hindi na, Sige na. Dito ka na lang. Mag-stay ka dito kasama nila." "O sige, Ikaw ang bahala Tol!" Wala nang nagawa pa ang kaibigan kung hindi ang pabayaan at mag-agree na lamang sa sinabi sa kanya nitong si Joaquin. "Ingat ka, Pauwi. Salamat sa pag-punta mo. See you, Next time!" Paalam pa nitong si Angelo sa kanya bago siya tuluyang makalabas noong Bahay. Kasalukuyan na itong nag-lalakad palabas nong Subdivision. Hindi naman ganoon kahaba ang kanyang lalakarin palabas kaya naman ayos lang sa kanya na mag-lakad na lamang kaysa ang mag-pahatid pa sa mga Kaibigan. Sa hindi kalayuan nang kanyang pag-lalakad... May napansin siyang babae doon sa kabilang gilid. Nakayuko pa ang ulo nito habang dahan-dahan ito sa kanyang pag-lakad. Tila nakainom at parang lasing na ito dahil doon sa kanyang way ng pag-lakad. Pinag-masdan sandali nitong si Joaquin ang babae mula doon sa kabilang side ng kalsada kung nasaan siya. May street lights naman sa buong lugar kaya kitang-kita niya iyong babae. Naupo itong bigla sa gilid ng kalsada saka nito inalis ang suut-suot na heels. Patayo na sanang muli iyong babae nang matumba ito at bumagsak doon sa daanan. Dahilan para mapatakbo patawid itong si Joaquin. Inalalayan niya pa iyong babae sa pag-tayo nang bigla na lang itong masuka. Hinimas-himas pa nito ang likod ng dalaga habang patuloy pa rin ito sa pag-suka. Mukha marami itong nainom. "Miss, Are you alright?" Tanong pa nito sa babae habang naroon siya sa likuran nito. Pero hindi siya nakarinig ng sagot galing dito. Saka nito inayos ang sarili at humarap sa kanya. Nanlaki ang mga mata ng binata nang makita at malaman niya kung sino iyong babaeng ngayo'y nasa harapan niya. The same girl who met at the Bar. Nag-krus nanaman ang landas nilang dalawa sa pangatlong pagkakataon. "Ikaw nanaman?" Iyon na lamang ang sunod na nasabi ni Joaquin sa dalaga. "What?" Lasing nga talaga iyong babae at tila hindi siya naintindihan doon sa kanyang mga sinabi. "Bakit ba sa tuwing nakikita kita lagi kang lasing at mag-isa?" Dagdag pang sabi nitong si Joaquin sa dalaga. Nakatingin lamang ito sa kanya saka nito pinunasan ang gilid ng bibig. "Oh! You're that Mr. Nice guy ha?" Sabi pa nito sa kanya habang tinuturo siya nito gamit ang kanyang index finger. "So... Nasa ulirat ka pa naman pala. Kaya mo bang lumakad ng maayos? Wala ka bang ibang kasama na nag-punta dito?" Nag-aalala pa nitong sabi sa babae. "Bakit mo tinatanong?" "Wala. Hindi kasi magandang nag-lalakad ka nang mag-isa dito sa daan nang ganyan ang sitwasyon mo." "Ahh okaay." Napakunot ang noo nitong si Joaquin. "Kaya ko, Don't worry about me Mister! Ano nga uling pangalan mo?" "Joaquin." Maikling sagot nito sa kanya. "Nice meeting you again ha? Thank you for being concerned. Pero okay na ako, Tatawagan ko na lang yung kasama ko." Sabi naman nito na parang bigla na lamang nahismasan sa pangyayari. "Are you sure?" Paninigurado pa nitong si Joaquin sa kanya. Hindi na ito sumagot pa sa kanyang muli at tumango na lamang ito bilang tugon. Tumango naman na sa kanya iyong babae pero itong si Joaquin hindi pa din magawang umalis at iwan ang dalaga. Nag-aalala kasi siya dito dahil hindi pa dumadating iyong sinasabi niyang kasama. "You may now go! Ako na ang bahala sa sarili ko." Sabi pa nito sa kanya saka dagliang ngumiti sa tapat niya. Paalis na sana ang binata nang maalala nitong sa ilang beses nilang pag-kikita at pag-kakaroon ng maliit na pag-uusap e.. Hindi pa din niya nagagawang kunin ang Pangalan ng Dalaga. Lumingon pa itong muli doon sa likuran niya para sana balikan iyong babae pero nandoon na yung sinasabi nitong inaantay niyang kasama. Napaatras na lamang siya nang tuluyan at nag-lakad na lang ulit hanggang sa makalabas na siya noong buong Subdivision. Agad na din naman siyang pumara at sumakay sa unang Taxi na dumaan doon sa Tabing kalsada kung nasaan siya. Ilang beses na silang nag-kikita nong babaeng tinutukoy niya sa parehong sitwasyon. At hindi iyon maialis ni Joaquin sa kanyang isipan. Hanggang ngayon ay namamangha pa rin siya sa katauhan ng Dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD