Ria "BAKIT ba ayaw mong pumayag? Para sa’yo rin naman ‘yun!" Kanina pa ako sinusundan ni Mom sa loob ng bahay kahit saan ako magpunta pero iisa lang naman ang bukambibig. "Bakit hindi nalang ikaw ang gumawa, tutal ikaw naman ang may gusto?" inis kong sagot. Ipinagpatuloy ko ang pagta-type sa laptop ko habang nakaupo sa sofa at may chips na nakakandong sa lap ko. Nakapatong naman ang mga paa ko sa maliit na table sa harap ko. "Kung pwede lang, why not?” Halos mapangiwi ako sa sinabi niya. Seriously? "Pero ikaw ang may problema. They're just trying to help!" Edi wow. "Kaya ko ang sarili ko," sagot ko nang hindi lumilingon sa kanya. Napabuntong hininga naman siya at umalis na sa tabi ko. Sana naman tantanan na niya ‘ko. Tss. Nang magsawa ako sa ginagawa ko ay tumayo na ako

