CHAPTER 2 SEBASTIAN

1357 Words
Nang magising si Chloe kinaumagahan wala na si Sebastian sa tabi nya at naisip nya ang sinabi niya kanina na siya ang magluluto ng almusal namin. Nagbanyo na lang muna ako para magshower at ng matapos ay nagbihis na ako para puntahan ang almusal sa kusina. Nangnasa living room na ako naamoy ko ang masarap na fried chicken at some vege mix guisado. Nang mabungaran ko siya na naghahain na agad ko siyang niyakap at hinalikan sa kanyang likod dahil nakatalikod ito sa akin habang mixing the vege to have a good balance of taste, “Umupo ka na Babe malapit na ito.” “Sige Babes ipagtim[pla kita ng kape muna habang hindi pa yan luto.” Pumunta ako sa cupboard para makuha ko ang coffee ni binili pa niya sa Greece ng pumunta siya doon. “Dark right Babes?” “Yes then add a little bit of creame and sugar.I like now a sweetcreamy coffee.” By the way Baby meron akong pasalubong sa iyo, bigay ko sayo mamaya at after this mag malling tayo para naman mag enjoy ka. Palagi ka na lang andito sa buhay and you are beginning to look pale, para naman kahit papano ay arawan ka. Ngumiti ako at niyakap ko siya. “Salamat asawa ko,okay lang naman na andito lang ako sa bahay dahil pinagsisilbihan kita at kasama kita. But mas okay din yuna kasama kita magmalling. Alam mo i am happy talaga pag nasa tabi mo ako palagi Babes parang ang secuire ng mundo para sa akin. Talagang kuntentado ako.” Hinalikan ako niya sa pisngi sabay sabi “Yes lalabas tayo mamaya then mag doon na tayo kakain lunch para naman makasama kita kakain sa favorite natin restaurant Babe. Miss ko na rin yun dahil puro lang ako trabaho lately.” Kumain kami at ikinuwento niya ang mga progress niya sa ibang bansa at ang lahat ng kanyang mga plano. Habang ginagawa niya iton lahat ng iniyakan ko kagabi ay nawala at parang bumalik na naman sa dati ang lahat. Pag ganito feeling ko importante ako sa kanya at feeling ko kasama ako niya sa lahat ng plano niya sa buhay. Ang sarap ng ganito, dati ng ako pa ang sekretarya nya ay palagi niya ako isinama sa kanyang mga business meeting at alam ko na He is good in business tutulungan ko pa sana siya with my connection and my family but nakita ko na kayang kaya niya ang lahat kaya i let him be. Nang magsimula na kaming magdate ay laking tuwa ko dahil siya talaga ang gusto kong lalaki, maliban sa kagwapuhan niya wala akong nakikitang babae na dinadala niya sa mga event kundi ako lang, Kahit na hindi niya sinasabi sa ang gusto marinig ng isang babae na “I love You” pero okay na rin yun dahil wala naman talagang ibang babae na nakikita ko sa buhay niya sa mga panahon na iyon at kahit ngayon wala naman talaga. Hanggang may nangyari sa amin, alam ko na alam nya na siya ang unang lalaki sa buhay ko at sa kalaunan ay nagprpose na rin siya. He promised me ng isang marangyang buhay at sabi pa niya na hindi na kailangan na maging sekretarya pa niya ako. “Babes asawa na kita ayoko na na mag work ka pa dito sa kumpanya mag stay at home ka na lang para naman ako na lang ang maging center ng buhay mo. Tayong dalawa ang bubuo ng isang magandang buhay” sinabi nya yun sa akin na puno ang enosyon ang bukas na sa isip ko ay kalakip na iyon sa pagmamahal ng isang tao. Namuhay kami ng ganun, ako dito sa bahay ginagawa ang trabaho ng isang asawa. Pagdating niya ay sasalubong ako at pagsilbihan siya. Ang ganitong buhay ang gusto ko, Hindi na ako nagpakita sa mga magulang ko para hindi na din nila malaman ano na ang nangyrai sa akin para peaceful na ang lahat Once tinawagan ako ni Mom “ Chloe Mitchel nagtatampo kami dalawa ng Daddy mo talagang iniwan mo ang karangyaan dito para lang mamuhay ng isang dukha dyan sa Pilipinas. Honey hindi mo ba kami namimiss? Kami ng Daddy mo miss ka na namin anak. Kailan ka ba magpakita sa amin? Sabi ng Daddy bigyan ka raw namin ng 5 years din tsaka ka namin puntahan kung saan ka man naroon after 5 years.” “Yes Mom, just let be muna.Let me enjoy this life okay at pag usapan natin ang lahat after 5 years eh mag 2 years na naman Mom.” “Okay anak pabayaan ka namin, this will serve as your opening to the world without money and power. But in case you need us andito lang kami isang call mo lang andyan kaagad ang Daddy mo.” “Salamat Mom!” Yun lahat ang simula ng buhay ko with Sebastian.Hindi niya alam na ako ang sole Heiress ng Mitchel Diamonds Limited of Paris France. Hinayaan na lang ako nila mula noon. “Hey are you okay? Nakatulala ka dyan Babes, meron ka bang problema? Sorry ha kung palagi kita naiiwan but next time mag business trip ako isasama na kita para din maging honeymoon natin hindi rin kita nabigyan ng honeymoon na formal nag Boracay lang tayo dati.Anyway next na trip ko sasama na kita dahil sa Paris ang next opening ng De La Merced Car International.” paliwanag niya Hindi ko maipaliwanag ang damdamin ko. Kung aayain niya ako na sasama mapalapit ako sa pamilya ko at pwede pa nila ako makita agad.Alam ko with Bryan intel people malaman kaagad nila habang nasa eroplano pa ako. Iisipin ko na lang siguro kung darating na ang oras na iyon. Sasama ako kahit na anong mangyari dahil first time na magkasama kami sa isang business trip niya. “No I am okay Mahal ko just excited lang sa sinabi mo. Like ko to be with you sa mga business trip mo. Pwede rin I will act as your secretary during your business meetings.” tiningnan ko siya kung ano ang reaction niya “Okay ka lang ba na maging secretary ko? Hindi ba yang nakakasagabal sayo na embes mag relax ka o mag sight seeing eh nasa meeting ka kasama ako Babes. “Babes okay lang naman sa akin walang problema I enjoy being with you and doing what i love most, being a secretary.That’s what I do best.” Hinalikan ako niya at sinabi sa tainga ko…. “No, what you do best is being with me in bed.” hinalikan ako niya ng ubod ng tamis at pagnanasa pero alam ko na what he do best is control his desire hindi niya un basta basta pinakakawalan ng hindi tama sa oras.He is a person who always stick to formality. Buong araw silang magkasama pagkatapos niya akong bilhan ng ;lahat ng magustuhan ko dress and all meron pa siyang binili sa akin na bracelet na pareho ng pasalubong niya na kwintas at singsing. Mag lunch muna tayo Baby nagugutom na ako doon sa favorte natin na restaurant. So we went there at ng makapasok dinala kami ng usher sa table na gusto palagi ni Sebastian yun medyo tago sa ibang guest but nakikita niya ang lahat. Oh My God! Sebastian how are you? Salamat at nagkita tayo dito sa Pilipinas ulit before ako babalik ng Europe. Ilang araw lang na magkasama tayo I miss you already Honey.”Niyakap niya si Sebastian at hinalikan sa psnga malapit sa lips nito Suprise is an understatement sa aking reaction. Sino ba itong babeng ito na ngayon ko lang nakita at walang delikadesa na ginawa niya yun sa asawa ko. Sino? Siya ba ang first love ni Sebastian, at ano raw magkasama sila ni Seb lately? MY Heart is beating faster ang parang pinipiga.Tiningnan ko kung ano ang reaction ni Sebastian but his face is bland wala akong makikita na kahit na ano only nakatingin din siya sa akin na parang hinahanap din niya sa mukha ko ang reaction ko. _________________________ ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA Please pa add sa library and pa follow
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD