Umiiyak ako habang nakaluhod kaharap si Sebastian at si Elaine.
Babe hindi totoo yan pinagsasabi ni Elaine hindi ko kaya gawin sa iyo yan, mahal na mahal kita Sebastian alam na alam mo yan. Hindi ko kaya ang sinabi nya. Kaibigan ko lang yun kasama ko kanina.” Ang luha ko ay nahulog na talaga sa magkabilang pisngi ko.
“Bakit si Elaine ngayon ang sinungaling eh nakita ko kayong dalawa naghahalikan sa lobby ng hotel. At ngayon kay Elaine mo isinisi ang lahat… wala kang kwentang asawa kaya hito nagpagawa na ako ng annulment papers natin at pirma mo na lang ang kailangan dyan dahil ako pinirmahan ko na. Umalis ka na dito sa pamamahay ko. Ngayon ko talaga na sure na ang pakay mo lang ng pakasalan ako ay dahil sa karangyaan na maibibigay ko sayo malandi na babae.”
Naglitaniya siya habang ako ay humagulgol na at hindi ko malaman ano ang gagawin ko sa oras na ito. Galit na galit si Sebastian.
Pirmaham mo na yan.sabi ni Elaine at inihagis niya sa harapan ko habang nakaupo pa ako sa marmol na sahig ng mansyon.
“Hindi bakit naman ako pipirma dyan Seb hindi naman totoo na meron kami relasyon ni Bryan isa lang siyang kaibigan Seb.”
Pirmahan mo na Chloe at baka masaktan pa kita. SABI KO PIRMANAN MO NA!!! kung hindi mo yan pipirmahan hindi ko alam ano ang magagawa ko sayo.
Alam ko galit talaga siya. Eh kung ayaw na niya sa akin bakit ko naman ipagpipilitan ang sarili ko. Ilang beses na ako nya sinaktan dahil lang sa mga pinagsasabi ng babaeng ito na lahat ay puro kasinungalangan.
Mula ng dumating ito problema na ang dala sa bahay na ito. Alam ko gusto talaga niya paghiwalayin kaming dalawa dahil gusto niya siya na ang papalit pagwala ma ako.
“Pirmahan mo yan o hindi?”
“Pirmahan ko ito Seb pero ang masabi ko lang ay mahal na mahal kita wala ng lalaking mamahalin ko kundi ikaw lang.”
“Before ko ito pirmaham Seb itatanong ko lang, Minahal mo ba ako, kahit konti?”
Tiningnan ako niya, “Hindi Chloe, panakip butas lang kita dahil wala dito ang totoo kung mahal hindi mo ba napansin na kahit isang beses wala akong sinabi sayo na I LOVE YOU dahil wala ni katiting na naramdaman ako sayo dahil si Elaine ang mahal ko kaya pirmahan mo na yan.
Wala na akong magawa. Hindi pala talaga ako niya mahal. Ang dibdib ko ay sobrang sakit. Oh God makayanan ko ba ito please help me. Ang mga kamay ko ay nanginginig habang pinirmahan ko ang annulment papers namin.
“Umalis ka na agad dito Chloe ayaw na kitang makita kahit anino mo pa.
Lumabas ako ng mansyon na walang dala kahit isang damit man lang. Ang cell phone ko lang ang nabitbit ko para meron akong magamit.
Nang makalabas ako ng bahay hinarap ko ito at pinagmasdan ng matagal habang nasa tainga ko Cell phone.
“Hello Bryan please kunin mo ako dito sa mansyon.” habang umiiyak ako.
“Right away Ms Chloe Mitchel.just wait in 20 minutes andyan na ako.”