“Hep! Hep! Teka lang muna!” bulalas ko. Dahil talagang pasugod na sila sa aming kinatatayuan. Pinipilit kong hindi sila patulan lalo at nandito pa kami sa loob ng bar. “Ms. Kahit, magmakaawa ka pa sa amin, hindi kami maawa riyan sa kasamang mong hambog!” galit na sigaw ng lalaking kulot ang buhok. “Hindi namin kailangan magmakaawa sa ‘yo, duwende. Bakit sino ka ba?” biglang sumingit na namang ang magaling na lalaki. Kaya ayon, na high blood na naman si kulot. “Aba’t talagang mayabang ka, ah!” anas ni kulot, habang ang mga mata ay nanlilisik sa galit. “Ano’ng nangyari rito?” Sabay-sabay kaming tumingin sa limang lalaking na dumating. Mukhang mga sanggano sila at hindi basta nagpapatalo sa laban. “Boss, gusto lang naming turaan ng leksyon ang hambong na lasing na ito!" turan ulit ni k

