Naramdaman kong may tao sa aking likuran. At pagkatapos ay mahigpit akong hinawakan. “Huwag kang papapag at huwag ka ring mag-iingay kung ayaw mong butasin ko ang leeg mo, babae…” pabulong ba sabi sa akin ng lalaking nasa likuran ko. Pagkatapos ay dahan-dahan akong hinala papalayo sa gate. Wala namang nakakapansin sa amin lalo at madilim ang paligid. Gasino na ang kaunting ilaw na nang-gagaling sa poste. Ngunit hindi pa ako nahihibang para sumunod sa gusto nito. Katwiran ko, patay kung patay. Ang mahalaga ay makipaglaban ako nang sabayan sa animal na ito. Nang alam kong malayo na kami sa mga naglalaban ay agad kong ikiniling ang aking ulo. Upang hindi mahagip ng kutsilyong nakatutok sa leeg ko. Pagkatapos ay walang sabi-sabi kong inuntog ang mukha ng lalaki, gamit ang likurang bahagi

