Itinali ko ang buhok ko, nagsuot ako ng itim na t-shirt, jeans pants at puting sapatos. Nag-ayos din ako ng kaunti bago ako umlais ng bahay. Alas singko y’ medya pa lang ng umaga ay binabaybay ko na nag daan patungo sa sementeryo.
Malamig ang simoy ng hangin, nga naman at Oktobre na
Bumili na rin ako ng bulaklak at kandila ng may nakita ako na nagtitinda doon sa may labasan. Tinahak ko ang daan kung saan nakahimlay sila lolo’t lola. Unang beses ko itong pumunta dito pero alam ko kung nasaan sila nakahimlay dahil madalas akong sumusunod ng patago kila ate kaya hindi naman ako nahirapan pa maghanap.
Inilagay ko sa gilid ng lapida ang bulaklak kong dala at sinindhan naman ang kandila na nakabaso. Hindi ito marumi walang tuyong dahon at halatang may bumisita dito kahapon, may bulaklak na kalalanta lang.
Medyo mainit na din, hindi din naman basa ang damo dahil hindi naman umulan kagabi kaya maari namang upuan.
Umupo ako sa harapan ng lapida nila lolo at lola ta hinaplos haplos ang pangalan nila na animoy nililinisan kahit wala namang makikitang dumi.
“Narciso C. Gomez.” Basa ko sa pangalan ni lolo
“Julie Gomez.” Basa ko sa pangalan ni lola
“Pasensya na po ngayon lang ako nagkalakas ng loob na dumalaw.” Bumuntong hininga ako.
“Alam niyo naman na ayaw akong makita ni mama na dinadalaw kayo. Tapos guilty din po ako sa pagkakawala ninyo. Idagdag mo pa yung naiwala kong regalo ninyo.” Ngumiti pa ako.
“Alam niyo ba matatas pa din ang grades ko. Si Joy madalas siyang inis sa akin, napakainit ng dugo niya sa akin. Pero may pagkakataon na mabait naman siya. Hindi din ako nag e-entertain ng manliligaw kasi ayaw ni papa hangga’t hindi pa ako nakakapagtapos. Ayaw ko din na ma bad shot kay mama alam mo naman na kapag nagaligit yon katulad mo la." Natawa naman ako sa mga pinagsasabi ko.
"Alam ko din na ayaw niyo pa kasi nga diba tutuparin ko yung pangako ko sa inyo na makakapagtapos ako na laude. Third year na po pala ako ngayon pagkatapos nito ay fourth year at ga graduate na ako. Sayang lang at hindi na kayo makakapunta pa sa graduation ko kagaya na lamang ng panagko niyo. Pero ayos lang yun lo,ayos lang yun la ang mahalaga makakaroon na kayo ng apo na guro.” Natawa naman ako sa sinasabi ko
“Kumusta kayo diyan sa langit masaya po ba? Dito po kasi sa lupa mainit, tapos minsan masayado namang malamig. Ikumusta niyo po ako diyan sa panginoon huh paki sabi na mabait ang apo niyo. Ipa good shot niyo ako kay Lord.” Hindi ko na talaga alam kung ano ang pinagsasabi ko.
“La, lo galit pa din sa akin si mama.” Pagsusumbong ko sa kanila. “Ako pa din ang sinisisi niya sa pagkawala niyo. Dapat pala namatay na lang din ako ng araw na iyon.” Hind ko mapigilan na mapaiyak. Umihip naman ang malamig na hangin.
“Alam niyo ba la, lo ang unfair lang kasi… nawala na nga kayo sa tabi ko, nawalan pa ako ng magulang. Lumayo ang loob ni mama sa akin dahil sa galit niya. Si papa naman sinusunod kung ano nag gusto ni mama habang si ate galit din sa akin. Balik nga kayo uli tapos pagalian niyo, ipagtanggol niyo po ako kagaya ng dati niyong ginagawa. Ang tanging natitira nalang sa akin si Troy, mga kaibigan ko pati sarili ko.” Pinalis ko ang mga luhang naglakbay sa mga pisnge ko. Mabuti nga at may natitira pa na naniniwala sa akin.
“Kahit ano namang paliwang ko hindi na nila pinaniniwalaan, hindi ko din namang ginusto na mawala kayo. Kayo din ang sasama niyo kung sana hinayaan niyo na lang ako na mamatay ng araw na iyon...” Pinalis ko naman ang mga luha
ko.
“La, sana hindi mo na lang ginawang pansangga yung sarli mo para grabe din yung natamo kong pinsala ng araw na iyon.” Pero kahit makailang beses ko pang punasan ang pisnge ko useless pa din kasi nababasa pa din dahil sa bagong luha na pumapalit. Kainis.
“Kainis naman eh, iyakin pa din ako.”
“Pasesnya na lola huh hindi ko man lang magawang magpasalamat sayo sa pagliligtas sa akin sa araw na iyon. Napakawalang kwenta ko na ngang anak, napakawlanag kwenta ko pang apo.” Napakasikip ng dibdib ko sa kakaiyak.
“Dalawang taon na mula nong nangyari yung aksidente.” Napatingala naman ako hindi ko alam kung bakit bilang naging makulimlim ang langit.
“Dalawang taon na din akong hirap na paamuhin si mama. Pero kapag nasa bahay naman ako ginagawa ko naman ang lahat to win her back. Para mahalin niya ako ulit. Para makita niya ako ulit bilang anak niya.” Pumatak naman ang malalaking butil ng ulan.
Namatay ang nakasinding kandila, nabasa ang tuyong bulaklak at heto ako ang umiiyak na Avi namas lalo pang humagulgol sa ilalim ng ulan.
“La..Lo… pasensya na hindi ko man lang kayo naihatid, pasensya na kung ngayon lang ako nagkalakas ng loob na lumapit sa inyo. Matapos niyo akong iligtas ngayon lang ako nakaharap ulit.” Humahalo na yung luha ko sa mga patak ng ulan.
“Patawad po, patawad.” Nakayuko kong sabi sa kanila.
"Dalawang taon na, dalawang taon na pero ang sakit sakit pa rin." Dumaan ang isang malakas na hangin kasabay ng pagpalis ko sa mga naglandas na luha.
"Nawala na ang mga pisikal na sugat la, lo pero yung kalooban ko nasasaktan pa rin... Ang sakit pa rin."
Kung maibabalik ko lang ang araw na ‘yon ako na lang sana ang umuwi mag isa.
“Av, yung lola’t lolo mo nasa labas.” Sabi ni Shen.
Agad naman akong napabangon sa higaan ko. Hindi pa ako nakaligo.
“LA, LO!” Sabi ko pagkakita ko sa kanila. Agad naman akong tumakbo papalapit sa kanila para mayakap sila.
“Naku ang apo naming pasaway.” Sabi ni lolo habang niyayakap ako pabalik.
“Ano po ang ginagawa niyo dito?” tanong ko sabay bitaw ng yakap.
“Aba’y Birthday mo hindi pwedeng malayo ka sa amin.” Sabi naman ni lola at saka ako hinalikan sa pisnge napapikit pa ako.
“Ano pang ginagawa mo at magbihis ka na.” Sinunod ko naman ang sabi ni lolo.
“Maliligo po muna ako.” Sabi ko sa kanila
“Sige, apo.” Sagot naman ni lola.
“Ma-upo ho muna kayo.” Sabi naman ni Shen.
“Naku salamat iha.” Sabi ni lolo. Napatingin naman sa akin si Shen nginitian ko naman siya ng pagkalaki-laki.
Agad naman akong naligo. Nagbihis ako ng isang puting blouse at isang skinny jeans at nagsuot ng sandals.
“Naku ang laki at ganda na ng apo ko, manang mana ka sa nanay mo.” Sabi naman ni lola ng lumabas na ako ng kwarto at handa ng umalis.
“Naku magagalit si Ronaldo kapag nalamang sinabi mo yan.” Sabi naman ni lolo na siyang nagpatawa sa amin ni lola.
"Wala namn dito si Rolando kaya walang magagalit."
“Iha, iuuwi muna namin ‘tong apo ko ha birthday niya kasi ngayon.” Sabi ni lola kay Shen
“Sige lola, ingat kayo, ingat Av.” Nginitian ko naman si Shen.
Habang naglalakad patungo sa kung nasaan man nakaparada ang sasakyan nila lolo ay nakayap naman ako kay lola at idinanatay yung ulo ko sa balikat niya.
“Umayos ka nga sa paglalakad Av.” Sabi ni lola sabay ginalaw galaw ang balkat niya para mahulog ang ulo ko.
“Ayoko, namiss ko kayo.” Sabi ko pa.
“Naku! Unang taon mo pa lang sa kolehiyo baka tumigil ka na dahil lang na mimiss mo kami.” Sabi naman ni lolo na nasa tabi ko. Huminto ako sa paglalakad at umayos ng tayo. Napahinto din sila lola dahil sa akin.
“Hindi lolo makakatapos ako na laude at magiging magaling na guro ako tandaan niyo iyan.” Determinado kong sabi sa kanila. Napatingin naman sila sa isat-isa bago bumaling at lumapit sa akin.
“Syempre matalino ka kasi, kaya adating kami sa graduation mo, pangako.” Sabi pa ni lola sabay himas ng mukha ko. Nginitian ko naman sila ng malaki.
Ang kaliwang kamay ko ay inihawak ang kanang braso ni lola. Samantala ang kanang kamay ko naman ay inihawak ang kaliwang braso ni lolo.
“Pangako iyan huh?” Tumango tango naman sila pareho. “Oo kaya tara na.”
"Salamat." sabi ko sabay hila sa kanilang dalawa pero hindi gumagalaw si lolo na siyang nagpalingon sa amin ni lola.
“Mamaya ko pa sana to ibibigay eh.” Sabi ni lolo sabay may kinukuha siya sa bulsa ng jacket niya. Inilabas niya ang isang pulang box at ibinigay sa akin. Napabitaw naman ako sa kanila.
“Hala ano to.” Sabi ko pagkakuha ko.
“Buksan mo.” Ani lolo.
Pagbukas ko ay isa itong heart necklace kulay gold.
“Ang ganda.” Komento ko ng mailabas ito ng buo sa box. “Isuot niyo ho sa akin.” Utos ko kay lolo na ginawa niya naman agad.
Matapos niya itong maisuot sa akin ay napansin ko na nabubuksan pala ang pendant. Binukasan ko ito, sa loob ng necklace ay mayroong litrato nila lolo’t lola at mama’t papa.
“Walang litrato ko?” Pabiro kong tanong sa kanila. Natawa naman sila.
“Joke lang, salamat po dito gustong gusto ko po.”
“Bagay sa iyo.” Sabi ni lolo.
“Kapag nalulungkot ka o na mimiss mo kami na pamilya mo, tingnan mo lang iyan. Hugis puso iyan para maalala mo na kahit malayo kami ay parati lang kami na nasa puso mo. Para narin ipaalala na kahit ano man ang mangyari ay mananatili ang pagmamahal namin sa iyo.” Sabi pa ni lola habang hawak ang kamay ko.
“Nakakaiyak naman iyon.” Sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.
Matapos maibigay sa akin ang regalo nila ay pumunta na kami sa kotse nila at nagmaneho si lolo patungong bahay.
“Green na Narciso.” Sabi ni lola kay lolo pinaandar na naman ni lolo ang sasakyan kasi nag green na ang traffic light ibig sabihin pwede na kaming makadaan.
“Narciso!”
Isang malakas na sigaw ni lola kasabay ang isang malakas na busina. Napatingin ako sa bintana na nasa kaliwang bahagi ko nakita ko ang isang truck na papunta sa gawi namin. Sa gulat ay hindi ko alam ang iaakto ko.
“Si Avi, Julie.” Narinig ko pang sabi ni lolo.
Hindi ko alam kung paano kabilis ang mga pangyayari pero bago pa man kami masalpok ng truck ay nasa harap ko na si lola at niyakap ako. Hanggang sa narinig ko na lang ang pagkabasag ng mga salamin at ang rinig na rinig ko ang salpok ng malaking Truck sa maliit na kotse na dala ni lolo. Para akong nabingi, sinubukan ko pang gumalaw pero dahil naiiipit ako ay hindi ko magawa.
“Happy Birthday apo ko.” Iyon ang huling salita na sinabi ni lola kita ko pa na duguan siyang nakayap sa akin. Nang tinganan ko naman si lolo nakaharap siya sa akin nakasampay ang ulo sa manibela inaabot ang kamay niya sa akin gusto ko sanag abutin din pero hindi ko maigalaw ang kamay ko. Kahit na dugo- dugo siya ay nagawa niya pa akong ngitian. Ang kamay niyang pilit na inaabot ako ay naibaba niya at ang mata ay naipikit na.
“Lo.” Mahinang tawag ko pa.
“La, lo” Tawag ko sa kanila pero wala akong sagot na natanggap.
“Tulong.” Sigaw ko pero nagmistula lang iyong bulong hanggang sa nagdilim na nga ang paningin ko.
“Doc” Rinig kong sigaw ni Troy. “Gising na po yung kapatid ko.”
“Si lolo? Si lola? Kumusta na sila?” unang salita na namutawi sa bibig ko pagkagsing ko sa ospital.
Si Troy lang ang nakita ko sa kwarto.
“Troy si lolo at lola ayos lang ba?” Tanong ko sa kapatid ko na hindi makasagot sa akin. Tinitingnan niya lang ako gamit ang naaawa niyang mga mata.
Ilang sandali pa ay dumating ang doctor. Dahil sa hindi sumasagot ang kapatid ko ay ang doctor na ang tinanong ko.
“Doc yung lolo at lola ko po na kasama kong na aksidente kumusta po sila?”
“Let’s check you first.” Sagot ng doctor she was about to check me pero inilayo ko ang sarili ko.
“NO! Answer me first! Nasaan ang grandparents ko? Are they fine?” Instead of answering ay tiningnan lang ni doc si Troy.
“Ano na? ANSWER MY FREAKING QUESTION?” Nafu-frustrate na ako. Bakit ba ayaw nila akong sagutin?
“Bakit hindi niyo ako sinasagot?” Still I got silence as their answer. “Okay. Sabihin niyo nalang sa akin kung anong room sila naka confine I’ll visit them myself.” Sabi ko pa sa kanila.
“Ate.” Lumapit sa akin si Troy then he held my hand
“Ano.” Impatient ko na sabi.
“Hindi sila na confine.” Para nabawasan ng nakadagan sa dibdib ko.
“Oh thank you. That means they are okay.” Nakangti ko pang sabi. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Troy sa kamay ko.
“No ate you are wrong.”
“What?” Kung kanina ay nabuhayan ako ng loob ngayon naman ay para akong mahihimatay sa lakas ng t***k ng puso ko.
“They are declared dead on arrival ate. Hindi na sila nagkaoon ng pagkakataon na ma confine.” Para akong binagsakan ng langit. Ilang sandali akong natulala, habang tulala ako ay naglalandas naman ang mga luha ko. Pinaprocess pa ng utak ko yung sinabi ng kapatid ko.
“No…” Bulong ko. “NO!” Sigaw ko
“Maa’am kumalma po kayo.” Sabi ng doctor.
“Hindi… narinig ko pang binati ako ni lola Troy kaya imposible yung sinasabi mo.” Para akong baliw na nakangiti pero umiiyak. “Hindi maari!” Hinawakan ko ang balikat ng kapatid ko para paharapin siya sa akin.
“Tell me you’re joking please.” Pagmamaka-awa ko sa kapatid ko. Hindi na magkanda mayaw ang pagbagsak ng mga luha mula sa mata ko. Pero ng makita ko na umiyak ang kapatid ko alam ko na hindi na siya nagsisinungaling. But there is still hope inside of me na baka nagkakamali lang siya. Kaya bumaling ako sa doctor.
“Doc.” I called her desperately pinalis ko ang mga luha ko, inayos ko ang upo ko. “Tell me nagkakamali lang ang kapatid ko.” Pero umiling lang siya.
“Doc. Please. Sabihin mo naman na mali lang ang kapatid ko.” Hinawakan ng doctor ang kamay ko.
“Wala na ang grandparents mo.”
“Hindi!” I shouted at the top of my lungs. Tinangal ko nag swero na nakakabit sa kamay ko.
Mabilis na kumalat ang dugo sa puting bed sheet at suot kong hospital gown. Sinubukan ko na bumaba sa bed pero pinipigilan ako ng kapatid at mga nurse.
“Ate be calm.” Pigil ng kapatid ko.
“Bitawan niyo ako! Hindi ako maniniwala hanggang hindi nakikita ng dalawang mata ko mismo. hinding hindi ako maniniwala!” sigaw ko sa kapatid ko. “Hanggat wala akong bangkay na nakikita hindi ako maniniwala.” Hagulgol ko sa harapan ng kapatid ko. “Kaya bitaw!” Mababaliw na yata ako.
“Ate nailibing na sila.” Mas sumakit pa yung puso ko. This is the kind of pain na hindi ko ma explain. “You are unconscious for almost two weeks hindi mo na naabutan ang wake at libing nila.” And I break down that day umiyak ako ng umiyak to the point that they need to put me to sleep para mapa kalma.
“La, Lo patawarin niyo ako.” Nakayuko lang akong nababasa ng ulan at umiiyak sa harap ng lapida nila.
Nakiki-iyak din ang langit sa akin. I am dripping wet pero wala na akong paki alam. All I know is that mas okay na umulan para hindi halata na lumuluha ako. I was hurt sa pagkawala nila lolo at lola kaya naiintindihan ko naman ang pinagmumulan ng galit ni mama she lost both of her parents in a blink of an eye kailangan niya ng mapaglalabasan ng sama ng loob kasi nakatakas yung nagmamaneho ng truck na nakabangga sa amin at nagkataon na naka survive ako kaya sa akin nabubuhos lahat ng galit niya.
I was still crying nang mapansin ko na hindi na ako nababasa ng ulan. Pagtingala ko may pumapayong na sa akin. Hindi ko makita kung sino yung humahawak kasi nahaharangan ng payong. Pinahid ko yung luha ko kinalma ko ang sarili ko para kung sakaling maharap ko ang kung sino mang pumapayong sa akin ay hindi naman ako ganon ka nakakaawa.
Hinawakan ko yung hawakan ng payong at unti-unting tumayo. Ngang nakatayo na ako ng tuluyan nagulat ako kasi hindi ko akalain na makikita ko siya dito.