ANDREA NAKAUPO ako dito sa sasakyan hindi na ako pinalabas ni victoria napaka strikto talaga pagdating sa akin lalo na buntis ako. "Hello mom?" sagot ko sa kabilang linya tumawag kasi ito lagi niyang chini-check kong okay lang ba ako ngayon lalo na unang apo niya itong dinadala ko. "Kumusta pakiramdam mo ngayon anak?" tanong nito naririnig ko pa ang mga tawanan sa background niya magkakasama kasi silang lahat sa bahay "okay lang ako mommy andito nga kami ngayon sa airport dahil sinundo namin si summer" sagot ko habang nagbubukas ng chips wala naman si tori kaya lubusin ko na pinagbabawalan niya kasi ako kumain ng junk foods. "Mabuti naman ang tagal ko ng hindi nakikita yang si summer malapit na pala siyang ikasal" napangiti naman ako dahil engaged na nga siya kay viona napatingin ako s

