Homebound

1519 Words
Dollar's POV Tanghali na akong nagising. And as usual, nakita ko ang kalahati ng kumot na nakalaylay na sa ibaba ng kama nang bumangon ako. Kung gaano kagulo ang isip ko kagabi, ganoon din ako kagulo matulog. Inayos ko ang comforter at siniguradong maganda ang lapat. Yeah, ang pag-aayos ng kama ko ang unang palatandaan na aayusin ko na din ang takbo ng utak ko ngayong araw. I smiled. Dumiretso ako sa banyo, naghilamos at nag-toothbrush. Hindi ako nagpalit ng pajama at sa halip na maligo ay sinugod ko ang cupboard. I grab the jar of nutella and get a spoon. Nag-dive sa sofa habang kinukutsara ang nutella. Dramatic kong sinubo ang kutsara at ninamnam ang chocolate sa dila ko, yung tipong pang-commercial. Hmm... this is life. Kung papipiliin ako ng mabilis ni Boy Abunda sa mga oras na 'to between Rion and nutella, well, I'll choose the latter without blinking. But thinking about Rion... I really made up my mind. Yes, the mind of a Dollar Mariella Viscos. Vulnerable ang pag-iisip ko after naming magkita ni Rion kaya na-overwhelm ako sa mga advice ng mga kaibigan ko. They really had points, I have to admit. Pero ang totoong takbo ng pag-iisip ng isang Dollar ay tumatanggap lang ng sinasabi ng iba pero sa huli ay masusunod pa din ang gusto at sariling desisyon. So now, I will just have to go back to my original plan. And that is, to cross Rion completely out of my life. Move on on my own. Yeah, I've decided. And the closure? Well, fvck it... Hindi ba dapat na siya ang humingi noon bago man lang siya nakipagrelasyon sa iba? Pero dahil imposibleng gawin niya iyon ay kakalimutan ko na lang na nag-e-exist ang salitang 'closure'. It won't be included in my dictionary ever. Talking with Rion about our closure will never come to the scene. At idadagdag ko na lang sa kasalanan ni Shamari ang pagbibigay sakin ng ideyang iyon na nagpaligalig din sa akin sa nakaraang mga araw. At sa major na pagmo-move on ko na ito ay pipilitin ko na talagang lumimot. I won't forget Rion of course. Dahil ang pangalan niya ay nakakalat na sa mundo ng business at tama si Shamari, related si Rion sa lahat ng taong related sakin. We have common friends and his name will always be hanging everywhere. So I'm going to forget all my memories with him. Lots of happy memories... At lalong kasama ang mga masasakit na alaala... Hindi ko na pipiliting itago lahat ng nangyari at hihintayin kung kelan iyon sasabog. No, I won't do that. Dahil magreresulta na naman iyon ng kung anu-ano pag nagkita kami. Gusto ko pag nagkita kami ay kaya ko ng umakto ng normal dahil wala ng natira sa akin na mga alaala niya, namin... Siguro masyado ng late ang gagawin ko after seven years. Pero wala akong balak sisihin ang sarili ko. Siguro tinakda talaga na magkita kami ng ganito katagal dahil nakatakda din na gawin ko ngayon itong mga naiisip ko. Dahil kung nagkita kami ng ilang taon pa lang pagkatapos niya akong iwan, posibleng hindi ako makakapagisip ng ganito at gagawa na naman ng kung anong kabaliwan. Maturity comes really with age, after all the hardships and challenges. I think I'm just being rational to myself for finally deciding this. And rationalization as a defense mechanism doesn't mean that my reasoning is always right. Siguro mali para sa iba pero ito ang nakikita kong tama, para sa kapakanan ko. And what about Nyssa St. Martin? Of course, I'm still curious about her. Pero kung gusto ni Shamari na ipalit siya sakin bilang modelo ng Astra then I will let her. Kahit pa siguro ipalit niya lahat ng ex ni Rion. Dahil kasama sa package ng pagmo-move on ko ang hindi na pagseselos sa kung sinumang babaeng napaugnay o mapapaugnay kay Rion. I exhaled with determination. Kumutsara ng nutella at sinubo ng buo ang kutsara. There I lay all my plans. Siguro sinasabi at iniisip ko pa lang lahat ng ito at malayo pa sa katuparan. Pwedeng hindi ko magawa dahil base pa din sa mga mangyayaring pagkikita namin ang magiging reaksyon ko. But at least I have a guide. And I will set this major moving on as a state of mind. Hindi ko na ibabaon sa pinakasulok ng isip ko. Lage kong iisipin na iyon ang dapat kong gawin. Dahil iyon ang tama at makakabuti sakin. This moving on is for my peace of mind. Tumayo ako mula sa pagkakahilata sa sofa, inayos ang pinagkainan ko at pagkatapos ay bumalik sa kwarto at nagmadaling maligo. Four spoonfuls of nutella are enough as my breakfast. Sa byahe na lang ako kakain. Yes, babyahe ako. A seven hour drive to North won't be bad while I'm retreating all the past memories which are bound to be buried. Kailangang simulan ko ang misyon ko sa pamamagitan ng pagbabaon ng mga pisikal na alaala, mga bagay na may kinalaman sa isang taon na pagsasama namin, sa isang aktwal na lugar din. Isang lugar lang naman ang alam kong dapat pagbaunan ng mga alaala na kailangan kong balikan muna mula sa kwarto ng batang Dollar, ang Al's Billiards, ang basement, ang tree house, ang lumang bleacher sa likod ng University, ang villa ni Lolo... The place where everything started... Our hometown, Flaviejo... **************** In third person's POV Marahang binuksan ni Alice ang pintuan ng opisina ng presidente ng kompanya para magpasok ng mga dokumento pero napigil ang paghakbang ng matandang sekretarya nang mapansin na nakakalat sa carpeted na sahig ang maraming origami na ibon na gawa sa asul na papel. Napailing siya. Hindi na nakakagulat ang ganoong tanawin dahil sa loob ng maraming taon na pagtatrabaho niya bilang sekretarya ng apo ng dati niyang boss ay alam na niya ang habit na iyon. Habit iyon ni Rion habang may malalim na iniisip o inaalalang mga bagay, ang gumawa ng origami at paliparin sa kung saang bahagi ng opisina nito. Maging ang mga tagapaglinis na umaakyat ay nasanay na. Tuluyang humakbang si Alice papasok sa opisina at iniwasan ang mga papel na ibon. Wala sa likod ng mesa ang amo pero naririnig niya ang mda kilos sa loob ng ante-room. Mayamaya ay lumabas mula doon si Rion. Napakunot-noo si Alice. Una ng nakapagtataka na tanghali pa lang ay origami na ang pinagkakaabalahan ng boss gayong sa hapon o gabi nito iyon madalas ginagawa. At ngayong isa pang nakapagtataka ay mula sa office suit ay nakabihis ito ng T-shirt at maong at mistulang paalis. Samantalang bihira itong mag-iwan ng trabaho sa tanghaling tapat at sa weekday na katulad nito. "I'm flying today, Alice. Don't call me to my personal line unless it's urgent." Bilin nito. Napangiti ang matandang babae at marahang tumango. Hindi na nagtanong kung saan balak pumunta ng boss gamit ang chopper. It is also one of Rion's habits. Pero hindi niya napigilan ang sarili na itanong ang isang bagay. "At kelan mo naman hahayaang lumipad ang mga ibong ito?" She asked meaningfully. Sandaling tinapunan ni Rion ang mga origami na parang ngayon lang naalala na nandoon ang mga iyon. Then smiled that didn't reach his eyes. "Leave them. They're enjoying their misery inside this room." Rion answered, unaware that it implies more meaning to the old woman that saddened her more. Kahit hindi pinag-uusapan, walang rason para hindi niya malaman ang mga personal na bagay tungkol kay Rion. Dati na siyang sekretarya ni Don Marionello at isa siya sa mga tumulong sa matanda sa pagtingin at pagpapaalala sa rebeldeng bata noon. Minana na siya ni Rion bilang sekretarya nang magretiro ang Don. At isa din siya sa nakasaksi sa makulay na kabataan ni Rion habang nag-OJT ito bago gr-um-aduate sa kolehiyo at nang mga panahong iyon ay kasintahan na ang dalagitang si Dollar. "I'm going." Isang tango lang at umakyat na ito sa pribadong hagdan papuntang rooftop. The old woman sighed in sadness. Napailing nang matitigan ang mga nasa sahig. Walang ibong gustong makulong sa hawla at hindi ginustong makalaya. Kung meron man ay iyong mga lumilipas ang kinang ng balahibo at kalaunan ay namamatay sa kalungkutan. Pero mayroon ding mga ibon na malaya man ay naliligaw pa din sa kasamahan at sa halip na makabalik sa pugad ay lalong napapalayo. Alice silently hopes that Rion and Dollar will never be like the two birds she's thinking. O kung sila man iyon ay hindi pa huli ang lahat. Na sana ay pareho silang makabalik sa pugad at hindi parehong tanggapin ang pagkakulong o ang pagkaligaw. The old woman smiled when she realized that she's thinking wishfully for the two again. Hindi niya maiwasang gawin iyon sa maraming taon na nakikita niya kung paano kasubsob magtrabaho si Rion at ang pagpabalik-balik nito sa ibang bansa sa sobrang kaabalahan. The younger Flaviejo deserves the greatest love that none of his ancestors, even his grandfather and parents didn't live to have... The love he and Dollar shared some time years ago. Bago siya tuluyang maging emosyonal ay pinatong niya ang mga dokumento sa mesa at lumabas ng silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD