Dollar's POV Nang matiyak kong tulog na si Lolo ay marahan akong lumabas ng kwarto niya at nginitian si Jesson, ang private nurse niya na naghihintay sa labas. Noong araw ay kaya naming magkwentuhan ni Lolo kahit yata buong maghapon pero sa lagay ng kalusugan niya ngayon ay imposible na. Madali nang mapagod si Don Marionello at dapat ay palaging maging maingat sa mga konting pagkilos lang. Hapon na nang makarating ako sa Flaviejo at oras na ng pahinga ni Lolo. I just announced my arrival and talk to him for a while. Ayoko mang orasan ang pag-uusap namin pero kailangan dahil sa kondisyon niya. He just repeatedly assure me that he will live long to witness his grandchildren's wedding and that's he's strong enough to play with his great-grandchildren. At kahit paulit-ulit na niya iyong sin

