Present Dollar's POV "Hey." Hindi ako lumingon sa walang kabuhay-buhay na pagtawag ni Shamari. Hinagis ko ang bag ko sa passenger seat at umikot para buksan ang pinto ng driver's seat. Vacay's over. Maghahanap na ulit ako ng magagawa. "Gusto mo ba ng pagkakaabalahan?" Shamari again. Nilingon ko na siya at ngumiti ng matamis. "I'm not open-minded right now. Toodles!" "Arrange my engagement party for me." Napigil ko ang pagsara ng pinto ng kotse. I exhaled. At lumabas ng sasakyan. Naiinis kong tiningala si Shamari sa mezzanine ng garage. Yeah, the garage of the villa has a mezzanine overlooking the fleet of cars sheltered there. "It won't take much of your time. Just an intimate dinner for twenty people or so. Sa La Felinovine. Bahala ka na sa ibang detalye." Walang kabuhay-buhay ni

