kabanata 31

1025 Words
XXI. I keep stuffing the foods in my mouth. Hindi ko alam kung paano kami nakarating ni Tobias dito sa bakanteng classroom, umalis siya kanina nang tumahan ako at bumalik nang may dalang mga pagkain. Gutom na gutom ako. Kagabi pa ang huling kain ko at napagod pa ako kakaiyak. Napatigil ako sa pag nguya nang marealize na pinapanood ako ni Tobias. Nakapatong ang kanang bahagi ng mukha niya sa lamesa ng inuupuan niya at nakatingin lang sa'kin. Bigla na lang akong nabulunan kaya agad niyang binuksan ang bote ng tubig at inabot sa'kin na agad kong ininom. "Dahan dahan." Mahinahon na sabi niya. Pinunasan ko ng likod ng palad ko ang bibig ko at sumubo ulit ng pagkain. Ngumuso siya at sumandal sa upuan niya at idiniretso ang mahaba niyang binti, naramdaman ko ang isang kamay niya sa likod ko na maingat na pinaglalaruan ang dulo ng buhok ko. Lumingon ako sa kanya kaya tumigil ang kamay niya at kinagat ang kanyang labi. Mabagal akong ngumuya at nag iwas ng tingin, kinuha ko ang burrito at tinapat sa bibig niya. "Eat." Sabi ko kaya umiling siya, dinikit ko na sa bibig niya kaya tinagilid niya ang mukha niya kaya sa pisngi niya tumama. Nalagyan siya ng mayonnaise kaya kumunot ang noo niya, hindi ko mapigilan na tumawa. "Arte kasi." Sabi ko at pinunasan ng daliri ko ang mayo sa pisngi niya, then i licked it off my fingers. "Kakain ka ba o hindi?" Umiling siya. "Gusto ko 'yung burger." "Uh, but i already ate all of them." Nakangiwing sabi ko. He bit his lower lip and held my nape to push my face to him. He just suddenly kissed me full on my mouth, pressing his full soft lips to mine. I kissed him back, because damn—i've been waiting for this for so long! He stopped all of a sudden. My forehead creased and i started to curse inside my head. "Tobias..." Reklamo ko. Sumandal ulit siya sa kanyang upuan. He licked his lip and bit it, creasing his forehead too. Pumikit ako. "I can't believe you." "Bakit?" Tanong niya at kinamot ang ilalim ng mata niya. "Gusto ko lang naman tikman 'yung burger.." Inirapan ko siya kaya tumawa siya ng marahan. "Was it good?" Sarkastikong tanong ko at kinagatan ang burrito. Sinundan niya ng tingin ang ginawa kong pagkagat at kinagat na naman ang labi niya. "Parang gusto ko na rin tikman 'yang burrito." Sabi niya kaya ngumuso ako at inilapit sa kanya ang labi ko. "Go for it, the taste is still in here." Tinuro ko ang labi ko kaya tinitigan niya iyon, hindi siya gumalaw kaya lumayo na lang ako at uminom ng tubig. "Nevermind." "Sige na, titikman ko na." Sabi niya pero pinigilan ko ang sarili kong lumingon at kumagat ulit ng malaki sa burrito. Nabulunan na naman ako kaya agad akong uminom ng tubig. Narinig ko ang mahina niyang halakhak kaya umirap ako. Ngumuso siya. "Saglit lang naman." Hindi pa rin ako lumilingon pero nakikita ko siya sa gilid ng mata ko. My body stiffened when he suddenly slid his hand on my waist to hug me, nakatigilid ako sa kanya. Pinatong niya ang noo niya sa balikat ko at nag buntong hininga. "Karisma." Malambing na sambit niya. My heart stopped. Ito ang unang pagkakataon na lumabas sa bibig niya ang pangalan ko, lagi niya na lang akong tinatawag na miss na kinaiinis ko. But damn, what's happening? He's giving me goosebumps all over my body. He said it so soft, it couldn't sound any better. "Uh, why?" Tanong ko, dying because of curiousity. Binitawan ko ang burrito na hawak ko dahil pakiramdam ko ay mapipisil ko lang ng husto at masasayang. "Anong gagawin ko?" Tanong niya kaya sinilip ko ang mukha niya pero hindi ko makita. "Saan? What do you mean, Tobias? Look at me, please." He sighed deeply. Nag angat siya ng tingin kaya nakita ko ang problemado niyang mata. Kumunot ang noo ko, pakiramdam ko ay bigla na naman akong nalungkot dahil naapektuhan ako ng mata niya. "W-what is it?" Tanong ko habang pinagmamasdan siya. Look how beautiful this man is, there's a weird feeling going on inside my stomach. Pakiramdam ko ay nanginginig ako. Bumuka ang bibig niya pero isinara niya ulit. He closed his eyes tight and buried his face on my neck like a little kid, nahihiyang umungol siya habang hinihigpitan ang pagkakayakap sa'kin kaya napakagat ako sa labi dahil sa pang gigigil sa kanya "You can tell me next time." Sabi ko. "I will wait til you're ready.." Nag angat ulit siya ng tingin at pinagmasdan ako, naningkit ang singkit niya na talagang mata. Scanning my whole face intently. He heaved out a deep sigh, shaking his head slowly—not breaking his gaze at me. I want to do that too, but i can't focus whenever i'm trying look at him for so long. "Hey, what are you thinking?" I teased him. "Naaakit ka na ba sa'kin?" Tumaas ang isang kilay niya at gumalaw ang gilid ng kanyang labi, biglang bumagsak ang tingin niya sa lamesa ko at tinuro ang burrito. "Ubusin mo na 'yan." Sabi niya at tumayo, huminga siya ng parang naginhawahan at nag inat pa habang nakatalikod sa'kin. Umirap ako at pinalo ang pwet niya kaya gulat na napalingon siya habang hawak ang pinalo ko, akala mo naman talaga ay minanyak. "Bakit mo ko hinihipuan?" Tanong niya, staring at me suspiciously. Pinandilatan ko siya ng mata. "Pinalo kita, hindi kita hinipuan." He tsked. "Ayan na nga ba sinasabi ko.." "Wow." I said in a sarcastic voice and smiled. "Stop changing the subject, naaakit ka na ba sa'kin?" Kumunot ang noo niya at tinuro ulit ang burrito. "Ubusin mo na 'yan." "Busog na ko." Sabi ko kaya sumandal siya sa professor's desk at humalukipkip. "So, what were you thinking earlier? Naaakit ka na—" "Sino bang hindi?" Biglang tanong niya kaya nag init ang mukha ko at dinampot ang burrito. "Okay, uubusin ko na 'to." Sabi ko at kumagat. Hindi na ako nag angat ng tingin dahil ayokong makita ang reaksyon niya. He chuckled softly. "Cute."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD