"Tita, payagan niyo na si Kari kahit ngayon lang. It's my birthday!" Sabi ni Cade sa nakaupo sa swivel chair dito sa library na si mommy.
"Oo nga po, tita. It's been a while naman na!" Sabi naman ni Tori.
Lumingon sa'kin si mommy kaya nag iwas ako ng tingin, hindi ako nagsasalita. I want to freaking go, of course! It's a party, hindi ko kayang tanggihan 'yan.
"Just for tonight!" Sabi ni mommy kaya nanlaki ang mata ko dahil sa gulat.
"Yay! Thank you, tita!" Tuwang tuwa na sabi ni Cade.
"You're allowed until midnight, Karisma."
Kumunot ang noo ko. "What?"
"It's okay, tita. Thank you po!" Agap ni Tori at siniko ako ng maraming beses. Nagpaalam na sila kay mommy bago kami lumabas at hinila sa kwarto ko.
"Mag bihis ka na!"
I rolled my eyes. "Nakakatamad magpunta, may curfew pa rin."
"Atleast makakapunta ka nang hindi tumatakas..."
Huminga ako ng malalim. "I hate my life."
Tumawa silang dalawa bago nagpaalam at lumabas. Naligo na ako, nagbihis at naglagay ng manipis na make up. Kulay cream na bandeau dress ang sinuot ko at tinali ko ang itaas na bahagi ng buhok ko at hinayaan ang ilalim.
"Be home at midnight, Cinderella!" Sabi ni Tori na sobrang puti sa itim na skater dress na suot. Kabaliktaran ang kulay namin, she's very white at morena ako. Maputi si Cade pero hindi kasing puti ni Tori.
"Wag mo nang ipaalala sa'kin." Ismid ko.
Sumandal na lang ako sa backseat at pumikit, nagda-drive si Cade at nasa tabi niya naman si Tori. Twenty minute drive ang venue kaya gusto ko munang umidlip.
Napadilat ako ng mata nang maalala si Tobias. It's been actually a week nang huli kaming magkita, wala akong time para magpunta roon dahil marami akong ginagawa. Sinabi ko pa naman sa kanya na pupunta ako kinabukasan pero hindi ako nagpunta.
Nag-init ang pisngi ko nang maalala ang nangyari nung huli kaming nagkita. Damn, hindi ko alam kung bakit ganito. He's not my first kiss! Pero hindi ko alam kung bakit parang siya ang una, the feeling was so new.
Kinagat ko ang labi ko. Here it goes again, the feeling of longing for something i can't even explain.
"Nandito na tayo!"
Gulat na napatingin ako sa labas ng bintana nang sabihin ni Cade iyon. What the hell? It was like two minutes, pero nandito na nga talaga kami.
Pagkapasok namin sa loob ay sumalubong ang maraming kakilala at mga pinsan. Hindi pa naman ngayon ang eksaktong birthday ni Cade, but it's her birthday party.
Halos kaedad lang namin ang lahat ng nandito, natawa pa ako nang makita ang nakalagay na 'NO OLDIES ALLOWED' sa pinto.
"Hey, couz!"
Lumingon ako nang marinig ang pamilyar na boses, lumapit sa'kin si Raven at hinalikan ang aking pisngi.
"How are you?" Tanong ko habang nakangiti ng hilaw at nilingon ang lalakeng nakatayo sa likod niya.
"Kari, it's been a year.." Bati ni Trace, ngumiti si Raven at pinulupot ang kamay sa braso ni Trace.
"You look good!" Ani Raven kaya ngumiti ako ng tipid.
Trace is my first and only ex boyfriend which is Raven's boyfriend now, we're cousin's so...
"See you later, pupuntahan ko lang 'yung kakilala ko do'n."
Ngumiti si Raven. "Okay, sure!"
Alam kong galit sa'kin ang pinsan ko na 'yon, plastikan lang naman kami. Ilang taon na.
"Hey, baby girl." Gulat na napalingon ako nang biglang may umakbay sa'kin, bumungad ang nakangising mukha ng kakambal ko na tipsy na.
Nakatanggal na ang ilang butones ng kanyang polo at namumula ng konti ang pisngi, his hair's a mess too.
"Hey, don't drink too hard." Paalala ko kaya tumawa siya at tumango ng maraming beses.
Hinila niya ako habang yakap ang leeg ko kaya inis na sumunod ako. Pinaupo niya ako sa isang bilog na upuan at nakita ko do'n ang mga kaibigan niya.
"Kari!" Bati ni Elias at nakipag high five sa'kin.
Nilingon ko si August at Wyan na tahimik akong binati, nginitian ko sila at nilingon si Gideon na lumalagok na naman ng isang bote ng alak.
"Hey!" Awat ko at dinampot ang kutsara sa lamesa at pinalo sa ulo niya.
"God damn it, Kari." Daing niya at narinig ko ang halakhak ni Elias. Tinabig ko ang kamay ni Gideon sa balikat ko at tumayo.
"Stop drinking so much!" Tinuro ko pa siya bago ako naglakad palayo, tinawag niya pa ako pero hindi na ako lumingon at napailing na lang.
Nalasing siya ng sobra dati at may nangyaring masama sa kanya, wala siyang kadala-dala. Umupo ako sa couch sa gilid at nagmasid sa paligid. Damn, hindi ko alam kung bakit parang wala akong gana.
"Hey.."
Napaangat ako ng tingin nang marinig ang boses na iyon, natakpan niya ako ng anino niya kaya pinasingkit ko ang mata ko para makita ng malinaw ang nasa harap ko.
"Can we talk?" Tanong niya pa.
Tinagilid ko ang ulo ko dahil nasisilaw ako sa ilaw sa likod niya. Biglang nag init ng husto ang ulo ko nang makilala kung sino ang taong nasa harap ko.
"My brother and cousin's are all here, Dice. Go away if you don't want to get hurt." Inis na sabi ko at tumayo pero hinila niya ako sa braso.
"Let's talk, i won't do anything i promise."
Tinitigan ko siya, his eyes seems so sincere. Mukhang hindi pa siya nakakainom ng alak, ang kalmado niya ngayon.
Umupo ulit ako. "What do you want to talk about?"
Huminga siya ng malalim at umupo sa bilog na lamesa sa harap ko, nagkakabanggaan ang tuhod namin dahil sa sobrang lapit niya.
Umayos ako ng upo para hindi kami magkadikit kaya napatingin siya doon at nag buntong hininga.
"First of all, i'm sorry.."
Tumango ako. "Okay, can i go now?"
"What? Hey, i still have something else to say.." Hinawakan niya ulit ako sa braso nang tatayo na ako.
Tinaasan ko siya ng kilay. He muttered a curse and tilted his head, breaking the stare he's giving.
I'm actually surprise, he's very calm and kind right now. Akala mo'y walang ginagawang kagaguhan kapag lasing.
"I was drank, alright? Hindi ko sinasadya..." He breathed. "I admit, you hurt my pride. I was very mad but I can't stop thinking about you! I want to f*****g apologize. Pero nagkakataon na kapag nakikita kita ay lasing ako kaya wala ako sa sarili.."
Hindi ako sumagot at nakatingin lang sa kanya.
"You understand me?" Kumunot ang noo niya, waiting for my response but i didn't say anything.
He sighed. "Really, Karisma. I want to kiss you right now, but i'm not drunk so I can still control myself. Don't worry.."
Nakita ko na nakatingin sa'kin si Tori sa hindi kalayuan kaya tumango ako, sa kanila ko lang sinabi ni Cade ang pangalan ni Dice. Pero kay mommy, ang sinabi ko ay hindi ko naaalala kung sino ang nang bastos sa'kin.
"Pinapatawad na kita." Sabi ko at tumayo saka ngumiti ng matamis. "Sorry for hurting your pride, Dice. But you can't really kiss at all.."
Kumunot ang noo niya habang nakatingala sa'kin. I tapped his cheek and smiled more.
"Atleast you're good at talking, i'll give you a point for that." Kumindat ako at tinalikuran siya.
Narinig ko pa ang malutong niyang pagmumura habang lumalayo ako.
Apologize my ass. Grounded ako ngayon at may curfew dahil sa kanya, hindi rin niya pwedeng gawin dahilan ang pagiging lasing niya para bastusin ako at hawakan ang katawan ko. f**k him and his sorry.
"Kari, what happened?" Tanong ni Tori na nililingon si Dice na nakapamewang pa rin doon at nakayuko.
I shrugged. "Don't mind him, let's enjoy the party!"
Napailing na lang siya bago ko siya hilahin sa dance floor.