kabanata 25

1744 Words
Umuwi akong okay. I don't know why but i already feel so damn okay, i was just looking at the car window—smiling like an idiot without me even knowing. "Ma'am, mukhang masaya ka ngayon ah." Puna ni Mang Raul. "Pumayag na ba ang lalake na iyon na maging bodyguard mo?" Biglang napawi ang ngiti ko. Nawala sa isip ko na kaya ko pala ginagawa 'to ay dahil kailangan ko siyang pilitin na maging bodyguard ko. But it seems like i went there today with a completely different reason. Umiling ako. "No, mukhang wala siyang balak pumayag." "Eh, kung gano'n ma'am. Hindi ko na tatanungin kung bakit kayo masaya ngayon.." Pagtawa niya. Napailing na lang ako at ibinalik ang tingin sa labas ng bintana. Tumigil ang mata ko sa isang papel na nakadikit sa glass door ng isang fastfood restaurant na nadaanan namin. EMPLOYEE FOR HIRE!!!!! Napakagat ako sa aking labi. Guess i need to bring my resumé next time. Mommy's in the dining area when i got home. Niyaya niya akong kumain ngunit nagpanggap akong hindi ko siya narinig, it's better this way. Ayoko siyang kausapin dahil baka kung ano lang ang masabi ko. Hindi niya naiintindihan kung anong nararamdaman ko. It's not about the allowance, the car or me being grounded. Kung paano niya ako tratuhin ay ang hindi ko maintindihan, alam kong pasaway ako at nagsisinungaling sa kanya. But aren't my brother's the same? They get into troubles too, pero bakit hindi niya sila ginaganito? It's just so freaking unfair. Anak niya rin naman ako pero parang sa'kin niya binubuhos ang lahat ng kasalanan namin magkakapatid. Nag uumpisa na naman bumigat ang pakiramdam ko kaya nagpasya akong maligo. Nang pumikit ako para sabunin ang aking mukha ay bigla kong nakita ang nangyari sa'min ni Tobias kanina, bigla akong napadilat dahilan para mapunta sa mata ko ang sabon. "Aw, s**t!" Hinugasan ko ang mata ko ng tubig para mawala ang hapdi at tinapos ang pagligo ko. Underwear at manipis na sando lang ang suot ko—without bra, ganito ang sinusuot ko kapag matutulog na ako because it's comfortable. It's actually a very tiring day, and when i closed my eyes—a smiling Tobias suddenly appeared. Napadilat ako ng mata at umupo. "Damn, Tobias. Let me sleep!" Inis na sabi ko at pabagsak na humiga. Kinabukasan ay antok na antok ako. Hindi ko alam kung anong oras akong nakatulog pero sigurado akong umaga na, i watched a movie. An action movie to avoid some kissing scenes. I got kissed so many. So many that i can't even feel the difference, akala ko ay pare-pareho lang ang lahat. But Tobias' kisses are literally the most unusual feeling i've ever felt. It's so different that it feels like a first kiss. I don't understand why, but I'm freaking addicted. "You want me to come with you?" Tanong ni Tori habang pinapanood akong binubura ang red lipstick sa labi ko. "You need my company?" Napatigil ako sa ginagawa ko at umiling. "Uh, it's okay. I don't want to bother you.." "It's okay! I'm also bored, kaya nga gusto kong sumama." Pagpipilit niya. Kinagat ko ang aking labi. I don't want her to come! Hindi ko alam pero gusto kong ako lang ang pupunta mag isa roon, si Mang Raul naman ay naiiwan sa labas ng school. "Please? I'm really bored, Kari. Wala akong gagawin the whole day.." I sighed. "Fine." Lumabas kami ng comfort room ng school matapos kong maglagay ng lip gloss. Tori elbowed me while i was driving her car, curiousity written all over her face. "Nakakapanibago, you're not wearing your red lipstick. Bakit mo binura?" Tanong niya. Binalik ko ang tingin sa daan, searching for the right words to say. Ayokong sabihin na kaya hindi ako naglagay ng red lipstick dahil lang sa sinabi ni Tobias! "Magpapasa ako ng resumé ko sa isang fastfood restaurant, baka i-interview na agad ako. I want to be simple..." There! I lied again. Nanlaki ang mata niya. "Really?! Magwo-work ka na talaga! I can't believe..." "Wala pa, hindi ko pa alam kung matatanggap ako." She laughed. "Alam kong matatanggap ka, believe me!" Dumating kami roon na maraming tao, pinasa ko ang resume ko at sinabi nila na kailangan ko nang interview-hin. I still haven't change my clothes so i don't know if it's appropriate to have a job interview wearing a school uniform. Mahaba ang pila dahil maraming nag-aapply kaya lagpas dalawang oras kaming nag hintay ni Tori. Ang dami na namin na-order dahil naboboring kami kaya napili namin na kumain na lang ng kumain. Of course, it's her treat dahil wala akong pera. "Karisma Isabelle Basco?" Tanong ng interviewer kaya ngumiti ako at tumango. "Yes, sir. I am Karisma Isabelle Basco." Ngumiti siya. "Ikaw ay half Filipino—" "No, sir. I am 25% Filipino and 75% Spanish." Tumango siya ng maraming beses habang tinitignan ang kabuuan ko. "Kaya pala maganda ang kulay ng mata mo.." Pagpuri niya at lumapit ng konti kaya sumandal ako sa upuan. "It's bluish grey. Thank you for the compliment.." I said in a serious tone. Napatitig siya sa'kin saglit at tumango ng maraming beses saka nilipat ang tingin sa resumé ko. "Nag aaral ka sa isang mamahalin na school, malalaking tao ang mga nakalagay dito na may konektado sayo. Halatang galing ka sa mayaman na pamilya kaya bakit gusto mong magtrabaho?" "I just..." Ngumiti ako. "Like to experience things, being a working student and spending money without my parents' help." Tumawa siya. "Ilang araw mo kayang gastusin ang 10,000 pesos?" "Two days? I already spent something like that in a day not too long ago." Sagot ko. Halata siyang nagulat. Hindi ako nag yayabang, sinasabi ko lang ang totoo dahil tinatanong niya ako. Ang ayoko lang sabihin ay kung bakit kailangan kong magtrabaho, ayokong malaman ng iba kung paano ako tratuhin ni mommy. "10,000 pesos ang magiging sahod mo sa isang buwan, kung hindi mo alam." Tumango ako. "I'm aware." Tinanong niya pa ako ng mga kung anu-anong bagay. Like, kung paano ihahandle ang mga customer na sinagot ko ng maayos. "Kailan mo gustong magsimula?" "As soon as possible, sir. I can start tomorrow if it's okay.." "Okay, magsisimula ka bukas. Cashier ka at ilalagay muna kita sa drive thru dahil mas madali roon, alam kong wala ka pang experience sa mga ganitong bagay kaya sa madali ka muna. At dahil part time job lang ito, magtatrabaho ka ng 4 hours sa isang araw. Halos 30 hours sa isang linggo.." Ngumiti ako. "Thank you, sir." "You're welcome. Pwede ka nang umalis." Pagkalabas ko ay naabutan ko si Tori na nakatayo at may hawak na tray na pagkain na halatang kaka-order niya lang. "Oh, no! Nag order pa naman ako." Gulat na sambit niya pagkakita niya sa'kin. "Take out mo na lang." Ngumiti ako ng malapad at lumapit sa kanya para bumulong. "I got accepted, i will start tomorrow." "Really?!" Nanlaki ang mata niya. "I told you!" Pagtapos i-take out ni Tori ang mga in-order niya ay bumyahe na ulit kami. Almost fifteen minute drive na lang ito hanggang sa school nila Tobias kaya malapit na, ngumuso ako nang makita na madilim na sa labas. Hindi ko alam kung maaabutan ko pa siya sa school. Nang dumating kami ay marami nang nag uuwian, dumiretso agad ako sa school guard na binati ako pagkakita sa'kin. "Lumabas na ba si Tobias?" Tanong ko. "Uh, ma'am—" Hindi na naituloy ni manong guard 'yung sasabihin niya dahil napalingon na agad ako sa mga boses na narinig ko sa hindi kalayuan. "Hey!" Sinalubong ko sila dahil nakalabas na sila ng gate, napatigil sila sa paglalakad kaya dinaanan ko lang ng tingin si Joaquin at nginitian si Tobias. "Hi, Tori!" Bumati si Joaquin kay Tori na nasa tabi ko na agad siyang kinawayan bilang pagbati. "Tobias..." Pagtawag ko sa nasa harap ko dahil lumingon siya kay Tori. Lumipat ang tingin niya sa'kin at tinagilid ang ulo na parang may hinahanap sa mukha ko. Umatras ako. "What?" Kinagat niya ang kanyang labi at lumingon ulit kay Tori na napalingon din sa kanya tapos binalik ulit ang tingin sa'kin. Naramdaman ko ang maingat na pag hawak niya sa isang daliri ko, at my right hand where Tori can't see. "Why?" Tanong ko kaya binitawan niya 'yung daliri ko at naglakad na ulit kaya sumunod kami. "Uuwi na kayo?" Tanong ko pa. Tumango siya nang hindi lumilingon. Oh no, why is he being so cold again?! Nakakainis. Narinig ko ang bungisngis ni Joaquin kaya napalingon kami ni Tori sa kanya, tumigil siya dahil doon pero naiwan pa rin ang isang ngisi habang umiiling-iling. Ano na naman kaya ang pumasok sa utak ng isang 'to? "Alam niyo, kailangan niyo na rin umuwi dahil gabi na." Sabi ni Joaquin. "Balik na lang kayo ng mas maaga bukas." Ngumiwi si Tori at tumango, lumingon siya sa'kin tapos kay Tobias then sa wrist watch niya. "I think so, too..." Sumimangot ako. It hasn't been ten minutes pero kailangan na namin umuwi agad, nakakainis naman. "Okay, let's go home." Matabang na sabi ko. Tumango si Tori at sumakay na sa kotse niya, ako naman ay lumingon kay Tobias na nakatingin sa'kin. "We'll go home na." Mahinang sabi ko kaya tumango siya at hindi nagsalita. Kumunot na naman ang noo ko, nakakainis talaga! "Wala bang goodbye kiss?" Mahinang tanong ni Joaquin habang nakatingin ng pang asar kay Tobias, pinanlakihan ko siya ng mata dahil baka marinig siya ni Tori at magtataka 'yon. Lumapit si Tobias kay Joaquin at bumulong kaya nagtatakang pinanood ko sila. Humalakhak si Joaquin at tumango saka lumapit kay Tori na nakasilip mula sa loob ng kotse. Watching Joaquin blocking Tori's sight. I felt Tobias' warm fingers on my jaw, he tilted my face and gave me a one little peck on the lips. It was just a second at sobrang bitin! He let out a single chuckle, watching me getting frustrated. Lumingon siya kay Joaquin na kinakausap si Tori, still blocking her sight to here. "Tara na, Waki." Sabi ni Tobias kaya lumingon si Joaquin at nagpaalam kay Tori tapos sa'kin. Lumingon ulit si Tobias sa'kin kaya nag buntong hininga ako. "Bye." Sabi ko at tumalikod saka sumakay sa drivers seat, nang lumingon ako ay nakatingin pa rin siya sa'kin. Nag iwas siya ng tingin kaya sumimangot ako. He took a deep breath and licked his lower lip, bago siya sumunod kay Joaquin na naglalakad na palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD