"Ano ang pangalan ko?" Kanina ko pa ito binibigkas nang paulit-ulit at umaasang maalala ang sariling pangalan. Alam ko na kasasabi lang ng lalaki na katabi ko ang pangalan ko kanina, pero nakalimutan ko na naman. Patuloy akong umiiyak sa harapan niya. Hindi pa rin humuhupa ang takot na nararamdaman ko at parang naubusan akon ng lakas. Napaupo ako sa aking kinauupuan at umiiyak habang sinasambit ang pangalan ng taong puwedeng magpakalma sa akin. "Mark, where are you? Mark, Mark," I said in between sobs. Hanggang sa naramdaman 'ko na may pumapatak na malamig na tubig sa aking katawan at tuluyan na akong nabasa. Hindi 'ko matandaan kung ano ang tawag dito, pero kahit papaano ay kumalma ako. I used my peripheral vision to look at the guy. Kanina pa siya nakatingin sa akin, pero malaki

