After writing down, Archives: Grade Seven, I turn the next page. Wow, it occupies five pages. When I turn the next page I wrote down, Archives: Grade Eight, the player continued to play. "Second year, hmmm, teka ano nga ba ang mga naalala ko noong grade eight tayo," mukhang nag-isip ito bago nagpatuloy. "Aha tama! Noong second-year tayo, doon una ako nakaramdam nang inggit sayo!" Napansin ko rin 'yon, kasi noong grade seven todo iwas ito sa akin pero may pagkakataon na kinukulit ako nito. Pero nang tumuntong kami ng second-year biglang nagbago ang pakikitungo niya, he gets even ruder, to me. "Naalala mo noong pareho tayo naging contestant sa isang quiz bee?" I remembered it. Pareho kaming kinuha ng subject teacher namin sa Araling Panlipuna kasi mataas daw ang grades namin na dalawa.

