"Dr. Osmeña told us, that Trixie's cancer was in stage four," hindi man lang kumibo at nakatugon si Lij sa narinig. Hindi ito gumalaw, kahit ang kumurap ng dalawang mata nito ay hindi ko nakita. "Narinig mo ba ang sinabi ni tito Daniel, Clij?" Doon lang siya natauhan nang magsalita ako at nang tawagin ko ang pangalan niya, hinawaka ko ang kaliwang kamay niya gamit ng dalawa kong kamay. 'I'm here, everything's gonna be okay'. Tumango ito sa naging tanong ko sa kaniya. Alam kong hindi siya okay, pero wala itong choice kung 'di magpakatatag. Tapos tinignan nito ang mag-asawa. "Does she know?" He asked them both. Pero sabay silang umiling sa kan'ya. He heaves a deep sigh, tapos yumuko ito. "Alam kong wala akong karapatang sabihin sa inyo 'to, bilang isang magulang," tapos tinignan niya s

