Nasa loob ako ng isang silid. Tanging orasan lang ang na nasa pader at makinang nagsasabi kung mabuti pa ba ang lagay ng taong nakahimlay sa isang kama. Nasa loob ako ng isang silid ng isang ospital. I kissed his right hand without cutting my gaze at him. Kailan ka ba magigising. Ang dami kong gustong sabihin sayo. Ang dami kong gustong gawin na kasama ka. Gising na, gumising ka na kasi. "Hindi ka ba napapagod matulog?" Tanong ko rito kahit alam ko namang walang tugon. Nangingilid ang luha ko sa lagay niya ngayon. Sobrang laki nang ibinagsak nang timbang nito, payat na nga pumayat pa. "Hindi ako mapapagod na hintayin ka," bumagsak ang mga luha ko sa mata. Araw-araw ko itong sinasambit sa harap niya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses sa isang araw. "Siguro masaya diyan sa panag

