Nung sinabi sa akin ni Rems ang tungkol sa gamot para sa sakit ko, ay hindi ako nakatulog. Sobrang saya ko at excited dahil sa ibinalita niya sa akin.
Pero sabi niya after three to five months pa siya makakauwi ng Pilipinas, dahil kailangan nilang suriing mabuti ang gamot. Hindi niya na ipinaliwanag sa akin nang mabuti ang buong detalye dahil confidential daw ito. Lalo na at on process pa lang ang tungkol sa gamot. At na sa Phase II pa rin sila ng Clinical Trials na ginagawa nila sa labas.
Umusbong ang pag-asa ko para sa aking sarili at lalo na sa pagkakataong maalala ako ni Knixx habang may malay ako. Kaya I decided to tell this to my parents.
I dialed the number of mom on my phone.
"Mom"
+63950........
"Nak?" Narinig ko ang boses ni mama sa kabilang linya.
"Ma, may good news ako sa inyo ni papa,"
"Talaga? Ano y- ay teka muna anak, ila-loud speak ko para marinig din ng papa mo," it takes five seconds before she speak again.
"Go on, anak, nakikinig kami ng papa mo," she continued.
"Tinawaga ako ni Rems kahapon, at sabi niya may gamot na para sa sakit ko!" I said excitedly pero nagulat ako nang biglang tumahimik ang kabilang linya.
"Ma, Pa? Are you still there? Did you hear what I said?" Taka kong tanong sa kanila at ramdam ko ang pagkunot ng nuo ko.
May naririnig akong mahinang paghikbi, umiiyak ba si mama?
"R-ea-l-ly? Anak," she said in between sobs, and her voice is shaky.
"Ma, okay ka lang ba, please huwag na po kayong umiyak, I know it's still tentative, but I can't help myself not to hope," pagpapaliwanag ko kay mama at sinisubukan ko siyang patahanin.
Simula ng ma confine ako dito sa loob ng ospital, palagi na lang emosyonal si mama. Parati ko na lang siyang naririnig na umiiyak, wala atang pagkakataon na hindi ko siya nakikitang namamasa ang dalawa niyang mata tuwing magkikita kaming dalawa.
Ang pinaka ayaw ko kasi sa lahat ay ang nakikita ko ang mga magulang ko na umiiyak lalo na pag ako ang dahilan. It stings my heart seeing them both crying and emotional in fornt of me.
"If that's the case, we're still not certain about the cure of your disease," she said in a rasp voice.
"Yes ma, tama," I confirmed.
"But, can we still celebrate it anak? Even if we're not sure?" Hindi ako na ka sagot sa tanong niya. Ayaw ko rin kasing umasa sila ng sobra dahil sa dala kong balita, pero karapatan pa rin nilang malaman ang tungkol sa paglunas ng sakit ko, because at the end of the day, they're still my parents. Kahit mahigit sengkwenta na ang edad ko, they have their privilege when it comes to me because I'm their child.
I heave a sigh before answering. "Sure ma, puwedeng-puwede," I smile despite of the situation.
"Okay anak, magluluto ako mamaya ng mga favorites mo, tawagan mo na rin yung dalawa mo pang mga kaibigan, and you can invite Knixx if you want," mukhang bumalik na sa dati ang boses ni mama, dahil wala nang bahid nang nginig at pamamaos ito.
"Noted ma, I'll contact them later, at sana hindi sila busy sa trabaho," I can't help not to smile.
"Si Knixx na sa itaas lang, pupuntahan ko rin siya mamaya para imbitahan dito sa baba," at napatingin pa ako sa taas habang nakapamewang ng kaliwa kong kamay.
"Okay anak, salamat sa dala mong balita, we're very happy. We'll go ahead na ha, bye!" Paalam ni mama sa akin pero may sinabi pa ako bago niya tuluyang i-end ang tawag.
"Ma, don't get your hopes too high," I heave a deep sigh. "Anyways, I love you two, and no goodbyes, muwah," I even kissed the screen of my phone when I said the word 'muwah'. Hindi ko na sila binigyan pa nang pagkakataon para makapagsalita, kaya in-end ko agad ang tawag.
Lumabas ako ng kwarto para puntahan si Knixx sa itaas at sabihin sa kanya ang magaganap na mini-party para sa akin mamaya.
I entered the elevator and push the button of the fourth floor. Pagkabukas ng elevator ay bumungad sa akin ang ikaapat na palapag at dumiretso ako sa kwarto ni Knixx.
I knocked twice on the door. Pero walang sumagot. I patiently waiting for her to welcome me, pero walang nangyari. Lumipas ang limang segundo at ganon parin. So I immediately open the door, kinabahan ako dahil baka kung ano na ang nangyari sa kanya.
Pagkabukas ko ng pinto ay nakahinga ako ng maayos nang makita ko siyang nakaupo sa ibabaw ng kama niya at na ka indian seat habang nakayuko at may binibilang sa kanang palad niya. Ang kaliwang kamay naman niya ang nagbibilang gamit ang index finger nito.
Kumunot ang nuo ko dahil hindi niya pala ako pinagbukasan kanina ng pinto dahil lang nagbibilang siya ng maliliit na, ano ba yun, bato?
"Ano ba yang binibilang mo?" I asked her confused. I walk towrads her but she stopped me using her left palm.
"Shhhh, don't destruct me, nagbibilang ako," mahinahon niyang sabi at nagpatuloy na sa pagbibilang ng maliliit na bato.
"10,11,12,13,14,15!" She exclaimed and put down the thing on her bed.
Kaya lumapit na ako para makita ng tuluyan ang kanina niya pang binibilang. Buto pala ito, akala ko naman kung ano.
"Anong gagawin mo dyan?" Tanong ko sa kanya pagkarating ko sa gilid niya.
"Ano bang ginagawa sa buto?" Humarap siya sa'kin at tinaasan ako ng kaliwang kilay at nakapamewang pa ng dalawang kamay.
Hindi talaga tu makausap ng maayos kahit kailan. Lagi niya talaga akong ginigisa.
"Tinatanim," I rolled my eyes while answering.
"Alam mo naman pala eh," she motioned her shoulders upward.
"Pero puwede ding kainin,psh," kumunot ang nuo niya dahil sa sinabi ko.
"Ang pilosopo mo!" Duro niya sa mukha ko at hindi na maganda ang pagkakalukot ng nuo niya.
"Inunahan mo ko," kalmado kong paliwanag at naupo sa gilid ng kama niya sa may paanan.
She rolled her eyes and smile a bit. Kaya ngumiti na rin ako dahil sa ginawa niya.
Iba talaga makipag landian si Knixx, hindi nga sweet at romantic mababaliw ka lang sa pamumuna niya sa lahat ng kilos at gagawin mo. Observant kasi at matalino.
Ganon siguro talaga makipag landian ang mga matatalino. Dinadaan sa paggisa, tusta at kung ano pa ang tawag dyan.
"It's a sunflower seed, gusto kong makakita ng sunflower sa loob ng garden dito sa ospital. Puros na lang kasi dahon yung nakikita ko eh, nakakasawa naman parang berde lang lahat ang kulay," sinabi niya yun while gathering all the seeds and put it in a small plastic and zip it.
"Kakayanin ba ng soil dito sa loob ng garden yang sunflowers mo?"
"Yes! Actually sinabihin ko na rin si mang Berting tungkol sa gusto kong itanim, kaya dinalhan niya ako ng magandang klase ng lupa, para tumubo ang sunflower na gusto kong makita sa loob ng garden," she said it while smiling at me.
Kakaiba talaga ang babaeng to kahit kailan, sinabihan ko na nga siya ng mga salita na posibleng makapagpatigil sa kanya sa pagtatanim pero may plano na pala siya.
"Ganon ba, edi good luck sayo at sa sunflowers mo."
"Thank you!" At mas lumapad pa ngiti niya sa mukha.
"At dahil nandito ka din lang naman, samahan mo na ko mag tanim!" Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya.
"Nandon naman si mang Berting eh, tsaka wala akong alam sa pagtatanim, kahit nga monggo hindi mabubuhay sa akin," napakamot ako sa batok habang sinasabi yun.
"Ano ka ba! Huwag kang nega, hindi mo pa nga sinusubukan umaayaw ka na agad! Malay mo this time gumana!" Lumapit siya sa akin at kumapit sa kanang braso ko, at nag puppy eyes pa.
Pano ako makakatanggi sa pagpapacute niya, kainis.
"Sige na nga, wala namang masama kung susubukan."
"Yehey! Thank you Clij!" She exclaimed at bigala akong niyakap.
"Basta ikaw," tinignan niya ako, tapos ngumiti ng matipid.
Binitawan na niya ako tapos inayos ang gusot niyang suot dahil sa pagkakayakap sa akin.
"Tayo na at magtanim!" Masigla niyang sinabi at nagpamewang pa ng kaliwang kamay habang ang kanan ay nakataas at hawak-hawak pa ang plastic container ng sun flower seeds.
Umiling na lang ako at tumawa sa ginawa niya.
Tapos hinablot niya bigla ang kaliwa kong kamay gamit ang kanan niyang kamay, at tumakbo kami palabas ng kwarto.
Pagkarating namin sa garden ay sinalubong kami ni Mang Berting.
"Magandang umaga doc, maam," nginitian kami ni mang Berting pagkakita niya sa amin.
"Magandang umaga po," sabay naming bati ni Knixx sa kanya.
Ordinaryong damit lang ang suot ni mang Berting. Na ka green long sleeves siya na plain, tapos faded maong pants. At nakaitim na bota, yung average rubber boots lang hindi gaano kalalim pag sinuot, at na ka black gloves rin siya.
"Sasama rin ba si doc sa pagtatanim maam?" Tanong niya kay Knixx at napatingin siya sa akin.
Hinawakan ako ni Knixx sa kanan kong braso gamit ang dalawa niyang kamay at kumapit doon.
"Opo, sasama siyang magtanim ng sunflowers," at tinignan niya ako nang mabuti
Hindi ako makasagot dahil sa bigla niyang pagpulupot ng mga kamay niya sa braso ko. Kaya napa estatwa ako sa nangyari. Napako yata ako sa kinatatayuan ko.
Niyuyog niya ang braso ko dahil hindi ako sumagot. Bumalik ang diwa ko sa ginawa niya.
"Ah eh, oo, sasama ako," tinignan ko si mang Berting at tumango bilang pagsang-ayon.
"Kung ganon, sumunod kayo sa akin," at tumalikod na ito sa amin.
Sinundan namin siya. Mukhang tama nga si Knixx, puros dahon lang ang nakikita kong halaman sa paligid at wala akong makitang bulaklak. Puro prutas at gulay ang mga pananim o di kaya'y mga bushes lang.
Nakita naming huminto si mang Berting, mukhang nandito na kami sa dapat naming pagtaniman ng sunflower. Ramdam ko ang sinag ng araw sa aking balat. Siguradong mamumula mamaya ang maputi kong balat dahil sa init.
"Ako ang nakaisip na dito magtanim!" Masayang sabi ni Knixx.
Maliit lang ang space at area ng lupa, pero sapat na para pagtaniman ng bulaklak.
"Ayos ah, direkta talaga kay haring araw? Baka hindi pa tumtubo yung bulaklak mo ay agad na itong mamatay?" Kutya ko sa kanya.
"Wala ka bang tiwala sa akin? Tsaka hahayaan ba naman ako ni mang Berting dito, kung alam niyang papalpak din ako sa huli?" Singhal niya sa akin.
Kanina pa kami nagbabangayan at kanina pa ako natatalo sa kanya. Pagdating kay Knixx ay wala talaga akong panalo, bukod sa matalino siya ang dami niya ding lusot.
"Fine, ikaw ang masusunod."
Nagsimula na kaming magbungkal ng lupa sa kinatatayuan. Gumamit din kami ng trowel, yung maliit na handtool lang. Tig-iisa kaming tatlo ng trowel at gloves. Pagkatapos naming magbungkal ay inalagay na namin ang buto ng sunflower sa lupa. Tapos tinakpan namin ito.
Na ka limang bungkal at tanim ako ng buto. Ramdam ko na rin ang pawis sa buong katawan ko. Alam kong namumula na ang mukha ko ngayon. Pinahiran ko ang pawis na dumadaloy sa gilid ng mukha ko, sa kanang bahagi, gamit rin ang kanang kamay ko.
Nakaluhod kami habang nagtatanim kaya madumi na ang tuhod namin lalo na kaming dalawa ni Knixx dahil na ka hospital gown lang kami. Nadumihan na rin ang suot namin.
"Tapos na ko," sabi ko sa kanila at napatingin sila sa akin.
"Ako din!" Si Knixx, tapos tumayo siya at hinubad ang suot na gloves at tumingin siya sa dalawa niyang maruming tuhod.
"Ang itim naman, parang kilikili mo lang," kutya ko sa kanya at bigla siyang bumusangot.
"Maputi kaya to, baka yung sayo!" Bulyaw niya sa akin habang papalapit sa direksyon ko.
"Ang dungis niyo nang dalawa ang mabuti pa ay maglinis muna kayo ng paa at tuhod niyo. May malapit na gripo lang dito, ayun," sabay turo ni mang Berting sa gripo.
Nakita siya namin ni Knixx na patuloy parin sa pagtatanim. Mukhang tinatanim talaga nang mabuti ni mang Berting ang buto ng sunflower.
"Ang huling makapunta sa gripo ay manglilibre!" Sigaw ni Knixx at dali-daling tumakbo papunta sa faucet.
Aba't ang daya ng babaeng yun, hindi man lang nagbilang kahit three seconds lang.
Naglakad lang ako papunta sa faucet dahil siguradong panalo parin si Knixx.
"Libre mo ah," sabi niya habang naghuhugas ng paa at tuhod sa faucet. Mababa lamang ang gripo dahil na sa lupa ito, ni hindi nga ito umabot sa tuhod ko ang taas.
"Um, Knixx, I want to invite you later around 3:00 p.m. sana," sabi ko sa kanya habang patuloy parin siya sa paglilinis.
"Bakit, anong meron?" Tanong niya pero hindi nakatingin sa akin. Busy sa ginagawa.
"I will have a mini-party in my room to celebrate something," paliwanag ko sa kanya at hindi pinutol ang pagkakatitig dito.
"Birthday mo?" Finally, he looked at me, at kumunot ang nuo. Mukhang tapos na.
"Hindi, kasi may gamot na para sa sakit ko, so my parents wanted to have a party for me."
"Okay, I'll go to your room later, at 3:00 p.m. I'm happy for you Clij!" she was about to hug me, but I stopped her.
"Teka, hindi pa ako nakakapaglinis, wait lang," pumunta ako ng faucet para maglinis ng tuhod at paa.
"Hindi yun counted ha, parents mo yung naghanda, hindi naman ikaw," kaya bigla akong napalingon sa kanya.
"Ang daya mo kasi."
"Ang tagal mo kasing tumakbo!" Singhal niya sa akin.
Aba't kung takbuhan lang ang usapan hindi ako magpapatalo, sumali kaya ako ng triathlon sa school noon. Nakapag-uwi pa nga ako ng gold medal. Lagi akong may medalyon sa tuwing sumasali ng contest.
"Madaya ka lang talaga!"
"Marupok lang talga yang mga tuhod mo!" Sinabuyan ko siya ng tubig galing sa faucet, at natigilan kaming dalawa.
"Knixx, so-r-ry," I was about to wipe the water on her face nang bigla niya akong tinutukan ng hose.
Teka saan niya yun nakuha, sa sobrang busy kong maglinis at makipagbangayan sa kanya kanina ay hindi ko napansin na kinuha niya pala ang hose sa lupa kanina.
Pilit kong inaagaw ang hose sa kamay niya, subalit ang higpit nang pagkakahawak niya rito. Nababasa lang ako ng tubig. Kaya hinawakan ko na lang ang dalawa niyang kamay na nakahawak sa hose at pilit yung itinutok sa kanya para siya naman ang mabasa.
Dahil mas malakas ako sa kanya, hindi niya naiwasang mabasa ng tubig na lumalabas galing sa hose. Napuno ng tawanan ang buong garden dahil sa kakulitan namin ni Knixx.
Hindi namin namalayan na basa na ang buong katawan namin.
Narinig naming tumikhim si mang Berting ng makita kaming nagkukulitan ni Knixx.
"Doc, maam, tapos na po ako. Mauna na po ako sa inyo at may aasikasuhin pa ako," sumilay ang mapaglarong ngiti sa mukha ni mang Berting.
"Salamat po sa tulong ninyo," si Knixx at ngumiti ng matamis.
"Walang ano man po. Siguro kailangan niyo nang magpalit ng damit para hindi kayo magkasakit," at tuluyan niya na kaming tinalikuran.
Tinignan namin ang suot at tama nga si mang Berting, pagnagbabad pa kami nang matagal ay hindi malabong magkakasakit kami.
Napatingin ako kay Knixx at sa suot niya. Hindi ko maiwasang hindi tignan ang na sa didbdib niya. Dahil nga basa ang suot niyang hospital gown at manipis ang tela nun, kaya kitang kita ang print na suot niyang bra. It was violet and printed lavenders.
Gusto kong magalit sa sarili dahil hindi ko pa rin inaalis ang mata ko sa dibdib niya. Nakita ko siyang biglang tinakpan ang dibdib niya gamit ang dalawang braso. Dahil dun ay natauhan ako at iniwas ang tingin sa kanya.
Basa pa rin ang mukha ko pero unti-unti itong umiinit dahil sa hiya at pagkailang.
"Siguro kailangan na nating magpalit, bago pa matuyo ang basang suot natin," I said it without giving her a glance.
"Um, sige, pero balik tayo dito ulit ha, may gusto lang akong gawin."
"Sige," at hindi ko pa rin siya tinitignan.
"Teka bago tayo lumabas, may hihiramin lang ako, dito ka lang," tinignan ko na siya pero sa mukha niya lang. Iniiwasan kong tumingin sa dibdib niya.
"Okay."
Pumunta ako ng information's desk para hanapin si Michaela at humiram ng jacket sa kaniya.
Pinagtitinginan na ako ng mga tao dahil sa lagay ko.
"Mich, may jacket ka ba dyan?" Tanong ko kay Michaela at mukhang nagtataka siya dahil sa aking hitsura.
"Nakalimutan kong dalhin doc eh, sorry," pagpapaumanhin niya sa sa akin.
"May clean towel ba dito?" Tanong ko sa kanya at nagbabakasakali.
"Meron doc, sandali lang," at tumango siya sa akin.
Nakita ko siyang pumasok ng isang room. Lumipas ang siyam na segundo ay lumabas na siya habang bitbit ang isang white body towel sa kaliwa niyang kamay. Tapos isinara na niya ang pinto.
"Here doc, okay na ba to?" She said the moment she arrived in front of me.
"This is enough, thank you so much, Mich," I gave her a smile, at nakita ko siyang tumango tapos bumalik sa puwesto niya kanina.
I walked slowly to avoid being slipped. Nakahinga ako ng maluwag ng makarating na sa garden.
"Here, use this to cover your chest," nilahad ko ang tuwalya kay Knixx habang iniiwas ang tingin sa kaniya.
"Thank you," kinuha niya ang towel at dali-daling tinakpan ang kaniyang dib-dib.
Tapos hinarap ko na siya at hindi na naiilang. Nginitian niya ako at hindi ko na rin mapigilan ang sariling hindi gumanti ng ngiti.
"Let's go?" Tanong ko sa kanya at nakita ko siyang tumango.
Pagkalabas namin ng garden ay agad ko siyang inalalayan para hindi siya madulas. Napatingin siya sa ginawa ko.
"Kapit ka sa braso ko habang naglalakad, para hindi ka madulas," hinawakan ko ang kaliwa niyang kamay at inilagay yun sa kanang braso ko.
Naramdaman ko na rin ang kanan niyang kamay na napakapit sa braso ko, takot sigurong madulas.
"Takot na takot kang mahulog ah," at tumawa ako nang marahan.
Tumingin siya sa akin dahil sa sinabi ko.
"Huwag kang mag-alala sasaluhin naman kita," I smirked at her, but she just rolled her eyes and divert her glance to the other side.
Pagpasok namin sa elevator ay pinindot namin ang kaniya-kaniya naming floor.
Unang bumungad sa amin ang third floor, kaya lumbasa na ako.
"Magkita na lang tayo sa garden mamaya, mabilis lang akong magbihis," na sa labas ako ng elevator habang siya ay na sa loob parin.
Nakita ko siyang tumango sa sinabi ko, at ngumiti.
Bago tuluyang sumara ang elevator ay may sinabi si Knixx sa akin.
"Mag-ingat ka ha, mamahalin pa kita," natameme ako sa binitawan niyang salita, hindi ko mapigilang kiligin dahil dun. Kaya napasigaw ako sa tuwa.
'Mamahalin din kita Knixx, at iingatan'