Nakita ko ang gulat sa mukha ni Rems nang makita si Janelle. Tumayo mula sa pagkakaupo si Janelle at nilapitan si Rems nang nakangiti. "Alam mo, ako lagi ang nagf-first move sa ating dalaw no?" Sabi ni Janelle nang tuluyan ng itong makalapit kay Rems, napalunok naman ng sariling laway si Rems sa sinabi ni Janelle. "Ano?" Naguguluhang tanong nito sa kan'ya. "Wala," agad niyakap ni Janelle si Rems na ikinagulat nito, ang landi. "Hindi mo man lang ba ako yayakapin pabalik?" Walang nagbago sa posisyon nilang dalawa. He was shocked and don't know what to do. "Hindi kita bibitawan kung walang hug back," seryosong sabi ni Janelle sa kan'ya, una, mukhang nagdadalawang isip pa si Rems, pero niyakap din niya pabalik si Janelle. Sumilay ang napakalaking ngiti sa mga labi nang malandi kong ka

