Ikadalawampu’t dalawang Kabanata “OH, little criminal. Tell me what's your name?” Dagling inilapag ni Junger ang pitsel at ‘pagkuwa’y nag-squat sa harapan ng batang babae. Hindi kaginsa-ginsa’y napawi ang kanyang uhaw at pagod. Gumaan ang araw niya. Natitiyak niyang mas matanda ang batang ito kaysa kay Baby Haven na anak ni Hugo. Ng isang taon siguro. Wala sa loob na umangat ang kamay ni Junger at masuyong inalis sa mukha ng paslit ang nakakalat na buhok. Mukhang hindi pa nadadaanan ng suklay ang buhok ng batang ito, isip-isip niya. Magulo at tila palaging nakakubli sa ilalim ng sombrero. “Jascha Jacynthe here and I don't like people touching my hair.” The little kiddo pouted disapprovingly. “But if you will promise me that we are going to hunt your enemy, alright...” The kiddo shrugged

