"Okay na ba to?" Tanong saakin ni Ryle habang pinapakita nya ang puso na ginawa nya gamit ang cartolina. Naka sabit ito sa kulay puting yarn. Dedication ang booth na napili naming gawin. Halos tatlong linggo na ang naka lipas simula ng umpisahan namin ang mga dapat gawin. Sa loob ng tatlong linggo si Ryle at Zeus ang lagi kong kasama. Tatlong linggo ko na rin palang iniiwas iwasan si Zeus. Di ko namalayan bukas na pala ang event sa university. "Oo" naka ngiting sagot ko. Si Ryle ang nagdidikit sa Yarn sa mga puso na nagugupit ni Zeus. Ako naman ang nag dedesign sa room na gagamitin namin pati ang mga speaker at mic. "Pati ba tong kahon bibigyan natin ng heart?" Tanong pa ulit ni Ryle. "Oo. Mas maganda siguro kung puso lahat ang makikita nila pagpasok nila dito." Suggestion ko pa. S

